Skip to main content

10 na Magandang Benepisyo Kung Bakit Kailangan Natin Kumain ng Repolyo!







Ang repolyo ay kabilang sa pamilya ng Brassica at bilog o hugis-itlog ang hugis ng mga ito. Ito ay ginagamit sa paghahanda ng iba't-ibang uri ng mga pagkain at sa salad. Ang repolyo ay maganda sa ating kalusugan at nagbibigay ito ng ilang mga benepisyo hindi lamang sa ating kalusugan kung hindi sa ibang mga bagay din. Ito ay makapangyarihan antioxidants na sobrang makakatulong sa iyong balat. Kung may problema ka sa iyong buhok o kalusugan, maasri mong isaalang-alang ang repolyo bilang iyong solusyon.


Iba't ibang uri ng repolyo:
1. Berdeng Repolyo

Ito ay minsang tinatawag din bilang Dutch White.Ito ay mayroong makinis na dahon at hugis bilog na kahawig ng isang malaking bola.


2. Repolyong Savoy

Ang dahon ay kulubot at maganda kapag nakabalot sa paligid ng iba't ibang fillings. Ang kulay ng repolyong ito ay nag-iiba mula sa light green hanngang bluish green.


3. Wom Bok/ Bok Choy

Isang chinese cabbage na mayroong pinakamataas na beta carotene at vitamin A na nilalaman.


4. Pulang Repolyo

Ito ay mas siksik kaysa sa berdeng repolyo. Mas nakapagpapalusog ito at mayroon din na mas maliit na pulang repolyo.


Alamin dito ang iba't-ibang benepisyon ng repolyo sa ating balat, buhok at kalusugan:


1. Benepisyo para sa Anti-Aging


Ang Vitamin A na nasa repolyo ay nakikipagtulungan sa Vitamin D upang gawing malusog at malins ang ating balat at pinoprotektahan din nito ang selula ng balat mula sa pagkakasira dahil sa mapanganib na ultraviolet rays ng araw. Ang mga anti-aging na benepisyo ng repolyo ay dahil sa presensya ng ilang mga antioxidants at iba pang mga mahahalagang compounds na matatagpuan sa repolyo.


2. Tumutulong upang mabawasan ang iyong timbang


Ang mga nais na mabawasan ang timbang o minomonitor ang kanilang diyeta ay dapat talagang gumamit ng repolyo. Ang isang tasa ng repolyo ay naglalaman lamang ng 33 calories. Maaari mong idagdag ito sa isang mangkok ng sabaw o gamition ito upang makagawa ng masarap na Indian Curry. Mapapabuti nito ang iyong bowel movement at hindi magkakaroon ng pagdagdag sa iyong timbang.


3. Tumutulong na maiwasan ang c****r


Maraming mga katangian sa repolyo na tumutulong upang labanan nag mga selula ng c****r. Ang mga compounds na lupeol, sinigrin, at sulforaphane, ay nagpapasigla sa aktibidad ng enzyme at pinipigilan nito ang paglago ng tum*r.


4. Nagpapatibay ng Cardi0vascular Health


Ang paglagay ng bok choy sa iyong pagkain ay maaaring makatulong sa iyong puso. Ito ay dahil naglalaman ito ng dalawang mahalagang mineral, ang calcium at potassium, na maaaring tumulong na makontrol ang presyon ng dugo. Ang halaga ng sodium dito ay mababa lamang, kung saan ay maganda upang mapanatili ang iyong kalusugan sa puso.


5. Pinipigilan ang pagkawala ng buhok


Ang repolyo ay puno ng Vitamin A na kung saan ay maganda para sa iyong buhok. Ang kailangan mong gawin ay magpakulo ng ilang repolyo at magdagdag ng ilang sariwang lemon juice. Ilagay ito sa iyong buong buhok. Panatilihin ito ng tatlumpung minuto at hugasan gamit ang shampoo. Sa paraang ito ay mapapadali ang paglago ng iyong buhok at mahydrate ito. Maaari mong gawin ito dalawang beses sa isang araw upang makuha ang mga benepisyo mula dito.


6. Nagbibigay ng magandang balat


Ang repolyo ay maaaring makatulong upang ikaw ay magkaroon ng magandang balat. Ang kailangan mo lamang gawin ay kumuha na repolyo at alisin ang mga ugat nito. I-compress ang mga dahon sa pagitan ng linen ng tela at koton upang maging malambot at makinis ang iyong balat. Ngayon ang dapat mong gawin ay kunin ang compress at ilagay ito sa apektadong lugar at panatilihin ito doon para sa gabi. Sa susunod na umaga, makikita mo ang ilang pagbabago sa iyong balat.


7. Pagkain ng repolyo sa panahon ng pagbubuntis



Ang chinese cabbage ay maaaring matugunan nito ang nutrisyonal na pangangailangan ng isang buntis dahil mayroon itong folic acid. Mula sa pagbibigay ng nutrisyon sa sanggol ss panahon ng pagbubuntis hanngang sa produksyon ng gatas, sa panahon ng paggagatas, ang benepisyo ng gulay na ito ay talagang multifaceted.


8. Ang sulfur ay pumipigil sa acne



Ang repolyo ay tumutulong na matuyo ang ang oily at acne skin. Nakakatulong din ito sa paglilinis ng iyong dugo at pag-aalis ng mga bakterya at toxin mula sa iyong katawan. Ang sulfur ay mahalaga para sa keratin, kailangang protina para sa malusog na buhok, balat at mga kuko.


9.Para sa malakas na buto at ngipin


Ang repolyo ay repolyo ay mahusay na pinagkukunan ng mga mineral tulad ng calcium, magnesium, at potassium. Ito ay mahalaga para sa proteksyon sa ating mga buto mula sa mga kondisyon tulad ng osteoporosis at panghihina ng mga buto natin.Pinapanatili nito ating mga buto at ngipin na maganda at malakas ss tulong ng calcium at vitamin K na nilalaman nito.


10. Repolyo para sa ulser


Ang juice ng repolyo ay may mga anti-ulcer properties dahil sa mataas na nilalaman nito na glutamine na tumutulong na mapagaling ang ulser.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-