Minsan ay magtataka ka na lang kahit na katatapos mo pa lang magtoothbrush ay may bad breath ka pa rin. Ang isang dahilan niyan ay dahil sa presensya ng tonsil stones o tinatawag rin na tonsilloliths. Ito ay ang mga nanigas na tira-tirang pagkain na naipon at nagbara sa mga sulok-sulok ng iyong mga tonsils.
Ang mga ito ay napakabaho dahil gawa ito sa mga tirang food particles, laway, d*** cells, at bakterya. Kapag ang mga ito ay nagbara sa iyong mga tonsils, maninigas ito at magiging kulay dilaw na siyang nakakapagpabaho sa iyong hininga. Kaya naman alamin ang mga paraan na ito upang matanggal ang iyong mga tonsil stones.
1. Pagmumog ng asin at tubig
Nakakatulong ang pag-gargle ng asin na may tubig upang maibsan ang sore throat, lumubak ang plema at matanggal ang mga bakterya sa bibig. Sa paraan ding ito maaaring sumama ang mga tonsil stones na nakabara para iyong matanggal.
Maghalo lang ng 1/2 kutsarita ng asin sa isang tasang tubig at igargle. Gawin ito matapos kumain.
2. Uminom ng maraming tubig
Ang pag-inom ng 8-10 basong tubig araw-araw ay nakakatulong maresolbahan ang napakaraming health issues pati na ring ang tonsil stones. Dahil kapag sapat ang iyong tubig na iniinom, nareregulate ang pagdami ng mga organismo sa bibig.
3. Oil Pulling
Ang oil pulling at isang lumang Ayurvedian practive. Ito ay isang paraan na kung saan ang coconut oil ay minumumog sa bibig 10-20 minuto kada araw. Ito ay isang natural na paraan upang malinis at madetoxify ang iyong bibig. Nakakatulong din itong paluwagin ang mga nakasalalak na tonsil stones.
4. Apple Cider Vinegar
Ang acidic content ng apple cider vinegar ay nakakatulong sa pagtunaw ng mga napakabahong tonsil stones. Paghaluin ang isang kutsarang apple cider vinegar at 1 basong tubig. Gawin itong pangmumog. Nakakatulong din itong puksain ang mga bakterya na nagdudulot din ng mabahong hininga at tonsil stones.
5. Cotton Swab
Kapag nakakita ka ng tonsil stone, ang una mong maiisip gawin ay sungkitin ito gamit ang iyong daliri. Ngunit ang mas malinis na paraan ay ang paggamit ng cotton swab. Sa paraang ito masusungkit mo nang mabuti ang mga nagbarang tonsil stones. Gawin lamang ito ng dahan dahan upang maiwasan ang implamasyon at imp*ksyon.
Kung ang tonsil stones mo ay malaki na, mas mabuting ikonsulta na ito sa isang propesyonal na magtatanggal nito.
Comments
Post a Comment