Ang ating kidneys ay ang major organs para sa detoxification. Tungkulin ng mga ito na linisin ang mga toxic waste ng katawan, iregulate ang sodium at mineral levels, at bawasan ang extra salt sa ating sistema.
Napakaraming bagay na pwedeng makasira sa ating mga kidneys tulad na lamang ng maling diyeta, unhealthy lifestyle, pagpipigil ng ihi, hindi pag-inom ng sapat na tubig, at iba pa. Kaya naman upang matulungan ang ating kidneys at maiwasan ang pagkakaroon ng kidney stones at anumang problema dito, narito ang mga natural na homemade kidney cleanse drinks na dapat mong subukan!
1. Cranberry juice
Ang cranberry juice ay napatunayan nang maganda para sa ating mga kidneys at sa ating urinary tract. Ayon sa mga pag-aaral, ito ay tumutulong labanan ang mga imp*ksyon sa ihi bawasan ang bacteria build-up. Maganda rin itong inumin para sa kidney detox dahil tinatanggal nito ang sobrang calcium oxalate na isang dahilan ng pamumuo ng kidney stones.
Kapag bibili ng cranberry juice, piliin ang mga certified organic at walang halong artificial flavors at preservatives.
2. Watermelon Kidney Flush
Maganda ang pagkonsumo ng juice ng pakwan para maiwasan ang pagbubuo ng kidney stones. At kahit na makarami ka ng baso nito ay mas maganda ito sa katawan dahil mas maraming beses kang maiihi. Na ang ibig sabihin ay mas mabilis mong mailalabas ang mga toxins sa iyong sistema.
Biyakin ang pakwan at kunin ang laman nito. Pwedeng ilagay sa juicer o iblend. Magpiga ng kalahating lemon o ilang piraso ng kalamansi upang mas mapabilis na maabsorb ang mga nutrients. Maaaring inumin buong araw.
3. Beet juice
Ang beets ay nagtataglay ng betaine, isang phytochemical na may antioxidant effect sa katawan at pinapataas ang acidity ng ihi. Tumutulong ito na alisin ang calcium build-up sa ating kidneys upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga kidney stones.
Pumili ng 3 piraso ng beets. Balatan at tanggalin ang roots nito. Hatiin sa apat at ilagay sa juicer o blender. Lagyan ng kalahating katas ng lemon. Maaaring ring dagdagan ng carrot, mansanas, o pipino depende sa iyong choice.
4. Lemon juice
Ang lemon ay natural na acidic na nakakapagpaiwas sa pagbuo ng mga kidney stones. Maganda itong inumin sa umaga at buong araw. Maaaring maglagay ilang slice ng lemon sa iyong iniinom na tubig buong araw. O kaya naman ay katasin ang lemon at lagyan ng kaunting tubig at inumin na parang tsaa.
5. Apple Cider Vinegar Cleanse
Ang inuming ito ay isang napakaepektibong kidney detox. Ihalo ang tatlong kutsara ng apple cider vinegar at isang lemon sa isang basong may tubig. Maaari itong inumin sa 4 na araw. Ang ACV ay nakakatulong na ialkalize ang dug0 at ihi habang tinataasan nito ang stomach acids. Sa gayon, naiiwasan ang pagbubuo ng mga bato sa iyong kidneys.
Comments
Post a Comment