Ang apple cider vinegar ay isang suka na nakilala dahil sa mga benepisyong naidudulot nito sa katawan. Karamihan ay ginagamit ito panlaban sa simpleng ubo, para sa may mataas na cholesterol, problema sa puso, at kung ano-ano pa.
Maaaring may kakilala ka na umiinom ng apple cider vinegar at nagtataka ka kung bakit niya iniinom ang napakaasim na sukang ito. Narito at alamin ang mga epektibong benepisyo at rason kung bakit dapat mo na ring subukang uminom nito!
1. Para sa pagpapapayat
Ang isang rason ng mga umiinom ng apple cider vinegar ay dahil gusto nilang pumayat. Ayon sa mga eksperto, ang paginom ng dalawang kutsaritang ACV na inihalo sa isang basong tubig ay nakakatulong na makabawas sa pagkagutom pagkatapos kumain. Tandaan lamang na ang paginom nito ay matapang at acidic sa tiyan. Maaari itong makasira sa lalamunan at bawal sa may hyperacidity.
2. Pantanggal ng bad breath
Kung problema mo ang pagkakaroon ng mabahong hininga, ang apple cider vinegar ay makakatulong sayo na puksain ang mga bakterya sa iyong bibig na nagdudulot ng bad breath. Maaari kang uminom ng isang kutsaritang apple cider vinegar bago matulog.
3. Para sa may diabetes
Ayon sa mga pag-aaral, ang paginom ng sukang ito ay nakakatulong magpababa ng sugar level sa dug0. Maghalo lamang ng 2 kutsaritang apple cider vinegar sa isang basong tubig bago kumain upang makapagpigil sa pagtaas ng blood sugar.
4. Pampababa ng cholesterol level
Marami ng research tungkol sa bisa ng apple cider vinegar na may kakayahan itong magpababa ng kolesterol sa katawan. Isang kutsaritang apple cider sa isang araw ay nakakatulong upang bumababa ang cholesterol levels.
5. Para sa enerhiya
Ang apple cider vinegar ay may taglay na potassium at enzymes na nakakatulong upang mawala ang fatigue o pagkahapo. Maaari mo itong inumin sa umaga upang makatulong makapagpataas ng energy levels ng katawan.
Comments
Post a Comment