Lahat tayo ay nagnanais na magkaroon ng kumpleto at maputing ngipin dahil nakakadagdag nga naman ito sa pisikal na kagandahan ng isang tao. Pero dahil na rin sa iba't ibang kinakain, iniinom, at bad habits kaya naman ang ngipin ay napapabayaan at nagiging madumi.
At kapag ang dumi ay nagsimula nang magbuo at hindi na natatanggal ng mabuti ay mamumuo ito at magiging dental plaque o kilala bilang sa tawag na tartar sa ngipin. Upang maiwasan ang nakakadiring tartar na ito, narito ang mga simple pero epektibong paraan upang tanggalin ito!
1. Bayabas
Bukod sa antiseptic properties ng bayabas laban sa bakterya ay mabisa rin itong pantanggal ng dumi na nagbubuo sa gilagid at ngipin. Kumuha ng fresh na dahon ng bayabas at hugasang mabuti. Ngatain ang mga ito ng ilang minuto at idura. Gawin ito araw araw upang maiwasan ang plaque formation sa ngipin.
2. Baking Soda
Ang baking soda o sodium bicarbonate ay epektibong home remedy na pantanggal ng tartar sa ngipin. Kaya nitong ineutralize ang acid sa bibig at bawasan ang pagdami ng mga harmful bacteria. Bukod dito ay nakakapagpaputi pa ito ng iyong ngipin.
Basain ang iyong toothbrush. Ipaghalo ang parehong amount ng toothpaste at baking soda na gagamitin na pangsepilyo. Ibrush ito sa ngipin araw araw.
3. Coconut oil
Ang prosesong ito ay tinatawag na oil pulling. Ito ay nakakatulong sa pagpigil ng pagdami ng bakterya at dumi sa ngipin. Sa pamamagitan ng paghalo ng coconut oil at tubig ay gawin itong mouthwash at iwasang malunok ito.
4. Balat ng orange / orange peels
Bago niyo pa man itapon ang balat ng orange ay mayroon pa itong pakinabang. Ang orange peels ay ginagamit na natural na pampaputi ng ngipin at pantanggal ng mantsa at dumi sa ngipin. Ito ay mild kaya hindi nito sisirain ang iyong ngipin.
Pagkatapos balatin ang orange ay kuhanin ang balat at ang panloob na parte nito ay ikuskos sa iyong ngiping may tartar. Mas magandang gawin ito bago matulog upang maiwanan mo ng buong gabi sa iyong ngipin. Ulitin araw-araw kung kinakailangan.
5. Sukang puti o apple cider vinegar
Kung kayo ay walang apple cider vinegar sa bahay ay maaari na ring gamitin ang purong sukang puti at gamitin bilang pangmouthwash upang matanggal ang mga bakteryang namumuo sa bibig na nagdudulot ng tartar. Gumawa lamang ng solusyon gamit ang 2 kutsarang suka, 1 kutsarang asin, at 4 oz. ng tubig. Ihalo ang solusyon at imumog sa bibig every other day, maximum ng 3 araw sa isang linggo.

Comments
Post a Comment