Skip to main content

6 Na Kagandahang Makukuha Kapag Ininom Ang Pinakuluang SAGING!

Marami sa atin ay paboritong kainin ang saging. Maging ang puso man nito o bunga mismo ay napakasarap at punong-puno pa ng sustansyang esensyal sa katawan.  

Ngunit maaaring nagtataka kayo kung bakit dapat mong pakuluin ang saging at inumin ang pinaglagaan nito o banana tea. Marami ang hindi nakakaalam sa sikretong nabibigay nito. Kaya narito at alamin ang importansya at kagandahan na iyong makukuha!

1. Pampababa ng high blo0d pressure

Ang tsaa na gawa sa saging ay mayaman sa potassium na nakakatulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng puso at pinapababa ang iyong blo0d pressure. Dahil isa itong vasodilator, ang potassium ay siya ring nagbabalanse sa fluid ng katawan upang mabawasan ang tensyon sa mga ugat. 

2. Nakakatulong magpatulog

Kung ikaw ay nakakaranas ng insomnia o hirap na makatulog ng mahimbing, ito na ang solusyon para sa problema mong yan. Dahil ang banana tea may mataas na level ng tryptophan, serotonin, at dopamine na nakakapag-improve ng pagtulog.

3. Pangiwas sa depresy0n

Ang pinakuluang saging ay nakakatulong upang maregulate ang mga hormone levels ng katawan na nakakapag-improve ng mood ng isang tao. Mayroon itong taglay na "good feeling" neurotransmitters na panlaban sa pagkabalisa at depresy0n.

4. Pampatibay ng buto

Ang banana tea ay nagtataglay ng napakaraming mineral tulad ng manganese at magnesium na nakakatulong patibayin ang mga buto upang maiwasang maranasan ang oste0por0sis habang tumanda.

5. Nakakatulong sa maayos na digestion

Upang maiwasan ang konstipasyon, bloating, at stomach cramps dapat ay madigest ng mabuti ng tiyan ang mga pagkaing kinakain. Samantala, ang banana tea ay makakatulong sa problemang ito dahil pinapadali nito ang paggalaw ng pagkain mula sa tiyan papunta sa mga bituka. 

6. Pampapayat

Maaaring gamitin ang pinakuluang saging para pampapayat dahil naglalaman ito ng mga bitamina at antioxidants. Ang mga nutrients na ito ay nakakatulong sa pagbilis ng metabolism upang mabilis ring masunog ang sobrang taba ng katawan. 

Comments

  1. ano pong klaseng saging ang dapat pukuluan n gawing tsaa..saging n saba ba? Hilaw o hinog...o lakatan? At kasama b ang balat o hindi pag pinakuluan? Salamat po...

    ReplyDelete
    Replies
    1. kahit anong klasing saging pwedi ba at hinog ba o hilaw

      Delete
  2. Anu poba bang saging puede ilaga Saba or saging latundan isasama ba balat or Hindi?

    ReplyDelete
  3. oo nga po ano pong klaseng saging?

    ReplyDelete
  4. oo nga po ano pong klaseng saging?

    ReplyDelete
  5. ano klaseng saging po ba saba,latondan or lakatan dami po kasi klase ng saging..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl