
Natural na pumuti ang ating buhok kapag tayo ay tumatanda na. Pero ang katanungan ng ilan ay bakit tinutubuan na sila ng puting buhok kahit sila ay bata pa. Maaaring isipin na ito ay dahil namamana o di kaya ay dahil sa ginagamit na mga produkto.
Pero ang pinakamalaking katanungan ay kung paano maiiwasan ang pagdami nito. Narito at alamin ang mga natatagong dahilan kung bakit agad kang tinutubuan ng uban o puting buhok at kung paano ito maiiwasan.
Mga dahilan kung bakit tinutubuan ka ng puting buhok:
1. Genetics o namamana
Totoo nga na kapag ang iyong magulang ay tinubuan na ng puting buhok sa murang edad ay malaki rin ang tiyansa mong maranasan din ito ng maaga. Napatunayan na ng siyensya na ang pagtubo ng puting buhok ng maaga ay dulot ng genetics.
2. Isyu sa kalusugan at problema sa thyroid
Kung ang isang tao ay tinamaan ng isang malalang karamdaman sa matagal na panahon, asahan mo na rin na maaga siyang tutubuan ng puting buhok. Ganoon din ang mga taong may problema sa kanilang thyroid.
3. Stress
Ang mga taong nakakaranas ng matinding stress sa kanilang pang-araw araw na buhay ay mas mataas ang tiyansang tubuan ng puting buhok ng maaga. Ito ay dahil ang stress ay nagpapabilis ng pagtanda ng katawan.
4. Kakulangan sa vitamin B12
Ang kakulangan sa bitaminang ito ay siyang nakakapagpabilis sa pagputi ng buhok. Kaya naman kahit ikaw bata pa lamang pero may vitamin B12 deficiency ka naman ay pwede ka nang tubuan ng uban.
5. Kulang sa nutrisyon
Ang pagiging malusog ay nababase sa iyong kinakain. Kung ang iyong pagkain ay hindi healthy at mali ang iyong diyeta, magkukulangan ng nutrisyon ang iyong katawan. Ang mga senyales ng hindi sapat na nutrisyon ay pwedeng mapansin sa iyong buhok.
6. Paninig^rily0
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong mahilig manig^rily0 ay may 4 times na tiyansang makaranas ng maagang pagputi ng buhok. Kaya kung ayaw mong magmukha agad na matanda, iwasan na ito.
Narito ang mga tips paano maiwasan ang pagputi ng buhok ng maaga
1. Balat ng patatas
Bago itapon ang pinagbalatan ng patatas, maaari mo pa itong pakuluin sa loob ng 25 minuto upang makagawa ng natural, hair-darkening dye. Ang starches sa balat ng patatas ay nagsisilbing colorant na unti-unti makakapagpaitim ng buhok. Matapos pakuluan ay salain at palamigin bago ipampahid sa buhok.
2. Katas ng sibuyas
Ang katas ng sibuyas ay mayaman sa enzyme na catalase na nakakapagpaitim sa roots ng buhok. Katasin lamang ang sibuyas hanggang lumabas ang sabaw nito at iapply sa iyong anit. Iwanan sa loob ng 40 minuto bago banlawan. Iapply 2 beses sa isang linggo.
3. Coconut oil at lemon
Ang pinaghalong coconut oil at lemon juice ay nakakapagpanatili sa pigment cells sa iyong hair follicles. Ang kailangan ay iapply ang pinaghalong mixture sa iyong buhok 2 beses sa isang linggo.
4. Bawasan ang stress sa katawan.
Hindi lang ang pagputi ng buhok ang iyong poproblemahin kapag ikaw ay naiistress. Dahil posible rin itong magdulog ng pagkalagas ng buhok. Upang maiwasan ito, ipahinga ang katawan at maglaan ng oras upang makapagbakasyon.
5. Kumain ng tama.
Dapat ay ma-practice ang healthy eating gaya ng pagkain ng mga pagkaing mayaman sa antioxidants, bitamina, at mineral.
6. Iwasan na ang paninig^rily0.
Kahit saang aspeto ay masama ito sa kalusugan kaya dapat ito ay inyo nang iwasan.
7. Umiwas sa matatapang na hair products at shampoo.
Comments
Post a Comment