Marahil karamihan ay hindi pinapansin kung ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit bumabaho ang kanilang paa. Ngunit sa ilan, ito ay isang kahiya-hiyang karanasan dahil sino nga ba naman ang gustong masabihan na mabaho.
Ang pagkakaroon ng mabahong paa ay nakakababa ng self confidence dahil pwedeng maging dahilan ito na pandirihan ka o maturn-off sayo ang ibang tao. Narito ang mga natatagong dahilan kung bakit nangangamoy mabaho ang iyong paa.
1. Kulang sa bentilasyon
Kadalasan, hindi ang iyong paa ang may problema kundi ang iyong sinusuot na sapatos. Ang pagbaho ng paa ay dulot ng kakulangan sa bentilasyon sa iyong sinusuot na sapatos.
2. Pagpapawis ng paa
Ang ating paa ay mayroong 250,000 na sweat glands na naglalabas ng pawis araw-araw. Kaya kapag walang sapat na bentilasyon ang iyong paa, mabilis itong magpawis na maaaring makapagpabaho sa iyong mga paa.
3. Bakterya
Isang rason kung bakit nagkakaroon ng bacteria build-up sa iyong paa ay dahil sa pawis. Gustong gusto ng mga bakterya ang moist o mabasa-basang paligid kaya naman ang pawising paa ay magandang pugad para mabuo sila.
4. Athelete's Foot
Ito ay karaniwang kondisyon na tinatawag ding tinea pedis. Isa itong nakakahawang fung@l inf*ction na inaapektuhan ang balat sa paa. Maaari itong kumalat sa mga kuko, kamay, at mailipat sa iba kapag sinuot ng isang tao ang sapatos ng taong mayroong athelete's foot.
5. Poor hygiene
Ang hindi paghuhugas ng paa lalo na ang mga sulok sa pagitan ng daliri ay maaaring pamugaran ng mga bakterya at dumi na siyang nakakapagpabaho sa iyong paa. Gayundin ang kuko sa paa, dapat ay putulin kapag ito ay mahaba na upang hindi naiipon ang mga dumi at bakterya.
6. Pagsuot ng maruming sapatos
Ang mga sapatos ay dapat ring nilalabhan at nililinis kapag ito ay dumudumi na. Pwede mo itong paarawan upang matuyo at matanggal ang mabahong amoy. Dahil mismo ang maruming sapatos ang pwedeng makapagpabaho sa iyong paa.
Narito ang mga solusyon upang mawala ang mabahong amoy ng paa:
1. Panatilihing malinis ang paa
Siguraduhing bago magsuot ng sapatos ay malinis ang iyong paa. Gayundin kapag nagtanggal ka ng tsinelas. Hugasan ito ng tubig at sabon.
2. Ibabad sa apple cider vinegar
Ang acidity ng apple cider vinegar ay makakatulong na puksain ang mga germs at labanan ang mga foot inf*ctions dahil sa antibacterial properties nito.
3. Imassage gamit ang lavender oil
Ang langis ng lavender ay nakakatulong sa pag-alis ng mabahong amoy at minomoisturize nito ang paa. Imasahe ang oil sa iyong mga paa o ibabad ito sa isang palangganang may tubig at ilang patak ng lavender. Nakakatulong din itong magparelax.
4. Gumamit ng malinis na medyas
Ang medyas dapat ay araw-araw ding pinapalitan. Huwag nang isuot ito muli kapag nasuot na dahil ang mga naiwang pawis sa loob nito
5. Gumamit ng foot antiperspirant
Ang mga foot antiperspirant ay maaaring spray o pulbo. Tumutulong itong iwasan ang bacterial build up and fung@l inf*ctions sa paa. Iapply ito matapos magshower o bago magsuot ng iyong sapatos.
Comments
Post a Comment