Kung madalas ay alagang-alaga tayo sa ating katawan at mukha, ang paa ay siya namang napapabayaan. At ito ang dahilan kung bakit kumakapal ang kalyo at nagbibitak-bitak.
Minsan sa ating buhay ay makakaranas tayo ng pagbibitak ng paa o talampakan dahil sa sobrang panunuyo nito at minsan dahil sa kapal ng kalyo. Sa iba, ang kondisyong ito ay kanilang ikinahihiya dahil hindi nga naman ito kaaya-ayang tignan.
Huwag ng mag-alala dahil narito ang simple at murang remedyo para mawala ang pagbibitak at maging malambot muli ang inyong talampakan!
1. Pagbabad sa maligamgam na tubig na may sabon
Ang balat sa ating paa ay mas makapal at mas tuyo kumpara sa ibang parte ng katawan. Kaya naman mas madali itong magbitak-bitak. Ang pagbabad ng paa sa maligamgam na tubig na may sabon ay makakatulong upang lumambot ang tumigas na balat. Tapos nito ay kiskisin gamit ang pumice stone o panghilod.
2. Saging
Ang saging ay isang natural skin moisturizer. Nagtataglay ito ng bitamina A, B6, at C na nakakatulong sa pagmaintain ng elasticity ng balat. Lamasin ang dalawang hinog na saging upang maging paste. Ipangkuskos ito sa buong paa at iwanan sa loob ng 20 minuto bago banlawan.
3. Vicks Vapor rub
Ang vicks vapor rub ay napakaraming pwedeng paggamitan kung iyong tutuklasin. Ito ay isang ointment na nakakatulong magpanatili ng moisture sa balat habang may cooling effect. Bago matulog sa gabi, pahiran ng vicks ang iyong talampakan at paa. Imasahe bago magsuot ng medyas. Iwanan buong gabi bago banlawan ng maligamgam na tubig sa umaga.
4. Baking Soda
Ang baking soda ay isang exfoliant na ang ibig sabihin ay kayang alisin ang mga d*** skin cells at mga nanigas na balat sa paa. Nakakatulong din itong alisin ang mabahong amoy ng paa. Magdagdag ng 3 kutsarang baking soda sa isang palangganang may maligamgam na tubig. Ihalong mabuti at saka ibabad ang paa sa loob ng 15 minuto. Iscrub ang paa gamit ang pumice stone saka banlawan at patuyuin ang paa.
5. Aloe vera gel
Ang aloe vera gel ay nakakatulong imoisturize ang nanunuyong balat. Minsan kapag lumalala ang pagbibitak ng paa dahil lumalalim ito, nagkakaroon ito ng sugat. Makakatulong ang aloe vera sa mabilis na paghilom ng sugat. Matapos kuskusin ang kalyo at dry na balat, iapply ang aloe vera gel sa paa. Pagkatapos ay magsuot ng medyas upang mas lalong maabsorb ang moisture.
6. Petroleum jelly at lemon juice
Ang petroleum jelly ay isang moisturizer samantalang ang lemon juice ay nakakatulong sa skin peeling at regrowth. Matapos na ibabad ang paa sa warm water, patuyuin ito. Magpatak ng 3-4 drops ng lemon juice sa isang kutsaritang petroleum. Ihalong mabuti at ipang-apply ito sa parte ng paa na may bitak. Magsuot ng medyas at iwanan buong gabi.
Comments
Post a Comment