Sa dami ng mga bitamina at mineral na kailangan ng katawan, ang vitamin B12 o cobalamin ang isa sa mga pinakamahalang bitamina. Dahil kailangan ito para sa nerve tissue health, sa utak, at sa produksyon ng red bl0od cells.
Ang pagkakaroon ng kakulangan sa bitamina B12 ay maaaring magdulot ng mapanganib at permanenteng komplikasyon sa utak lalo na karaniwan ito sa mga matatanda at mga taong hindi nakakakuha ng sapat na bitamina sa kanilang pagkain.
Narito ang mga senyales na dapat mong tutukan kung nagkukulangan ang iyong katawan ng vitamin B12:
1. Mapulta o naninilaw na balat
Ang vitamin B12 ay may esenyal na papel na ginagampanan sa produksyon ng red blo0d cells. Kaya kapag ang isang tao ay kulang nito, maaaring ang kanyang balat ay namumutla o nagkakaroon ng paninilaw na pwede ring makita sa kanyang mata.
2. Panghihina at pagkahapo/ fatigue
Kung walang sapat na vitamin B12 ang iyong katawan, magkukulangan ka rin ng supply ng oxygen dahil nababawasan ang produksyon ng red blo0d cells. At ang resulta nito ay manghihina ang iyong katawan kaya madali kang mapagod.
3. Pagmamanhid / parang tinutusok tusok na pakiramdam
Sa katagalan, ang permanenteng resulta sa kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng nerve damage. Kaya kung palagi kang nakakaramdam ka ng parang tinutusok tusok na pakiramdam sa iyong kamay o paa, ipasuring mabuti dahil maaaring senyales ito ng vitamin B12 deficiency.
4. Pagbabago sa iyong balanse at pagkilos
Kapag hindi naagapan, ang pagkasira ng iyong mga nerves sa katawan ay pwedeng magdulot ng pagbabago sa paraan ng iyong paglakad at pagkilos. Maaari ring maapektuhan ang iyong balanse at koordinasyon.
5. Implamasyon sa dila at ulser sa bibig
Ang glossitis ay isang kondisyon na kung saan ang dila ay mapulang-mapula at may implamasyon. Ito ay maaaring magdulot ng pagkirot at kahirapan sa paglunok. Maaari rin nitong mabago ang iyong paraan ng pagsasalita at pagkain.
6. Hirap sa paghinga at pagkakahilo
Dahil ang kakulangan sa vitamin B12 ay nagdudulot ng anemia, makakaranas ka ng kahirapan sa paghinga at pagkahilo dahil sa kakulangan ng sapat na oxygen ang katawan.
7. Pagbabago o paglabo ng iyong paningin
Isang pang sintomas ng vitamin B12 deficiency ay ang panlalabo ng iyong paningin. Dulot ito ng pagkasira ng optic nerve sa mata na maaaring makaantala sa maayos na paningin.
Comments
Post a Comment