Sa panahon ngayon, mapa babae, lalaki, bata, o matanda ay gumagamit na ng cellphone. Sa dami mong magagawa dito gaya ng pagtawag, pag-tetext, pagcheck ng status sa social media, panunuod ng videos, pakikinig ng musika, at napakarami pang iba ay talaga namang mauubos ang oras mo dahil mawiwili ka.
Mapapansin din na naging isang paraan na rin ng mga magulang na pinapagamit na ng mga cellphones ang kanilang anak kahit sa murang edad para lamang sila ay mapatahimik at hindi mangulit at maglikot. Kaya kung hindi niyo alam ang mga naidudulot na masamang epekto ng sobrang paggamit, narito at inyong alamin!
1. Pwedeng magkaroon ng problema sa mata at paningin
Kung ang sobrang paggamit ng computer ay nakakapagpalabo ng mata, ganoon din ang ating mga cellphones at mas mabilis pa ng epekto nito. Ito ay dahil ang screen ng mga cellphones ay mas maliit kaya mas mataas ang tiyansa mong maranasan ang pagkapagod ng mata o eye strain.
2. Nakakasira sa personal na interaksyon
Oo nga't nakikipagusap ka sa text, sa tawag, o sa chat. Ngunit kung naging dependent ka rito, mawawalan ka ng oras na makipag-interact ng pisikal at personal sa ibang tao. At kailangan sa development ng ating utak ang pakikipag-usap at pakikipag-interact ng pisikal sa ibang tao.
3. Magkakaroon ka ng problema sa iyong batok, likod, at spine
Kapag nasobrahan tayo sa pagkawili sa ating mga cellphones, hind na natin napapansin ang ating postura. Ang sobrang pagkakayuko sa iyong cellphone ay maaaring magdulot ng pananak!t sa iyong likod at maaaring makaapekto ito sa iyong pang araw-araw na gawain.
4. Nakakapagpataas ng stress level
Kung ano man ang nakikita mo sa iyong mobile phone ay maaaring magdulot ng stress sa iyong kalusugan. Kung ginagawa mong libangan na gagamit muna ng cellphone bago matulog, maaari kang makaranas ng insomnia na nakakapagdulot ng stress.
5. Maaaring pagmulan ng bakterya na magdudulot ng sak!t
Marami na siguro ang nakasubok na gumamit ng cellphone habang sila ay nasa kubeta. Ang gawaing ito ay hindi maganda sapagkat nakaparaming bakterya ang maaari mong makuha kapag ikaw ay gumamit ng kubeta. At kung ito ay dumapo sa iyong gadget, maaari itong maipasa-pasa at pati ikaw ay nasa panganib.
6. Nawawalan ka ng pokus at konsentrasyon
Ibang-iba na ang henerasyon ngayon, mas naging maiksi ang pasensya ng mga tao at nawawalan na rin ng pokus at konsentrasyon sa mga bagay-bagay dahil ito sa pagkawili sa cellphone. Kadalasan ito ay nagdudulot ng distraction at maaaring malagay pa sa peligro ang iyong buhay.
7. Radiation
Ang mga cellphones ay nag-eemit ng UV radiation na totoong nakakasama sa kalusugan ng mga tao. Kung ugali mong maglagay ng cellphone sa bulsa, tinatabi ang cellphone habang matutulog, at paggamit ng cellphone bago matulog, tiyak na magrereflect ang negatibong epekto nito sa iyong katawan.
Comments
Post a Comment