Karaniwang sanhi ng pagtanda ang pagkakaroon ng katarata o cataract. Ito ay isang kondisyon na kung saan ang lente sa loob ng mata ay nagdudulot ng panlalabo ng paningin. Ito rin ang sanhi ng pagkabulag sa iba at nagagamot ito sa pamamagitan ng operasyon.
Ang pagkawala ng paningin sa taong may katarata ay dahilan ng pagkakaroon ng opacification o pagkakaroon ng parang ulap sa lente na humaharang sa liwanag na makapasok at magpokus.
Mabuting magpasuri sa isang espesyalista kung nararanasan ang pagkalabo ng mata upang malaman agad kung ikaw ay may katarata.
Narito ang mga pagkaing makakatulong sayo upang maiwasang madevelop ang katarata:
1. Carrots
Sinasabing ang pagkain ng carrots ay nakakatulong upang luminaw ang paningin. Ito ay mayaman sa bitamina A na mahalaga para sa mata. Uminom ng kinatas na carrots sa umaga o kaya ay kumain ng hilaw na carrots upang maiwasan ang katarata.
2. Anis o aniseeds
Ang anis ay mabisang gamot para maiwasan ang katarata. Sagana ito sa bitamina A at antioxidants na may magandang benepisyo sa sirkulasyon ng dugo. Makakatulong din ang antiseptic quality nito sa pagpipigil ng pag-atake ng mga bakterya at virus sa mata.
Kumain ng 6grams ng anis dalawang beses araw-araw. Gawin ito sa loob ng dalawang linggo at mapapansin ang magandang resulta. Maaari itong gawing tsaa.
3. Bulaklak at bunga ng kalabasa
Isa rin ang bulaklak ng kalabasa na nakakatulong sa pampalinaw ng paningin ay maiwasan ang katarata. Pwedeng katasin ang bulaklak ng kalabasa. Ang juice nito ay inumin tuwing umaga. Mabisa rin ang pagkain ng bunga ng kalabasa panlaban sa maagang paglabo ng mata.
4. Spinach
Isa rin ang spinach sa mga pinakamabisang halamang gamot na pangkontra sa katarata dahil mataas ang vitamin A content nito. Nakakatulong din ito na mapabagal ang pagbuo ng katarata. Ugaliing kumain ng spinach. Maaaring gawin itong salad o isteam cook at gawing ulam.
5. Bawang
Isa sa mga napakaraming sakit ang napapagamot ng bawang. Nakakatulong ito upang maalis ang pag-uulap ng mata. Upang magkuha ng 100% ang bisa nito, kumain ng 2-4 na butil ng hilaw na bawang. Gawin ito ilang beses sa isang araw.
6. Itlog
Ang pula ng itlog ay nagtataglay ng mataas na content ng leutein at zeanxanthin na parehong nakakatulong protektahan ang mata laban sa mapanganib na sikat ng araw. Ito ring ay nagtataglay ng omega-3 fatty acid DHA na esensyal sa kalusugan ng mata.
7. Avocado
Ang laman ng avocado ay mayaman sa antioxidants, mineral, at bitamina na nagpopromote ng pangkalahatang kalusugan ng maya. Ang mga antioxidants na ito ay tumutulong sa pagprotekta ng mga cells laban sa mga free-radicals na maaaring makadamage sa mata.
Ano Po b Ang bwal sa my katarata tnx po god bless us
ReplyDelete