Skip to main content

7 Senyales Na Ang Inyong Relasyon Ay Nakakasira Na Sa Iyong Pagkatao At Hindi Na Dapat Ipagpatuloy Pa!

Habang tayo ay nasa isang relasyon lalo na kung ito ay dumaan na sa napakaraming pagsubok, hindi na natin nakikita ang mga posibilidad na maaari pa itong masira ngunit ang katotohanan ay nariyan lang palagi ang mga sanhi o kadahilanan na maaaring makasira sa inyong relasyon. Habang kasa-kasama mo ang taong ito, ikaw ay nasasanay nang siya ay palaging nariyan lamang sa iyong tabi kaya ikaw ay nagiging kampante na sa kanya na hindi naman talaga dapat.

Gayunpaman, ikaw ay nauuwi sa lubos na pagkatali mula sa isang relasyon na parang nagiging napakadali na lamang ang makipagtalo sa iyong karelasyon na hindi naiisip kung ikaw ay nakakasak!t na ng sobra. Ang resulta, nagkakasawaan at hindi na saya ang dulot ng relasyon para sa magkabilang partido.

Mas makakabuti na suriin nang mabuti kung ang relasyon niyo ay nakakabuti o nakakapinsala na sa inyong pagkatao, kaya ito ang mga senyales na dapat niyo na tigilan ang inyong relasyon bago pa man kayo masira nang tuluyan:

1. Itinatago o sinasarili ang mga problema

Sa halip na pag-usapan niyong dalawa direkta ang problema, ang kanyang ginagawa ay hindi mabuti sapagkat ito ay kanyang sinasarili dahil ayaw nyang malaman mo kung ano ang problema. Iniiwasan niya ito kaya nagreresulta ito sa mas napakalalang problema.

2. Pagseselos at paninisi

Ang labis-labis na pagseselos at pag-aangkin sa iyo ng isang tao ay isang napakalaking problema para sa magkarelasyon. Kung hindi niyo pinagkakatiwalaan ang isa't isa, wala nang rason para ipagpatuloy pa ang inyong pagsasama.

3. Pamimintas at panlalait


Ang pagsasabi ng totoo tungkol sa iyong kapartner ay katanggap-tanggap upang mapabuti ang isang tao. Ngunit kung ang nangyayari ay pamumuna sa paraan na panlalait sa iyo ng iyong kapartner, ito ay hindi makakabuti para sa inyong dalawa. Ang pag-ibig ay hindi gumagana sa ganoong paraan, dahil kung mahal mo ang isang tao tatanggapin mo ang lahat ng kapintasan sa kanyang buong pagkatao.

4. Pag-aaway o pagtatalo na walang matinong pag-uusap na nangyayari

Ang pagtatalo ng magkarelasyon ay normal ngunit ang pagsisigawan sa isa't isa na hindi sinusubukan na pag-usapan o ayusin sa mahinahon na paraan ay siguradong inilalagay ang relasyon sa peligro.
5. Nagiging negatibo na ang kanyang pag-iisip

Kung ang relasyon ay punong puno na ng negatibong enerhiya, malaki ang posibilidad na ito ay mas maging mabigat at mapait na karanasan para sa magpartner. Hindi mo kailangang pilitin ang iyong sarili na manatili sa ganitong klaseng relasyon kung ikaw ay hindi na komportable sa isa't isa
.
6. Iniiwasan na ang isa't isa

Kung ang pagiging nariyan sa tabi ng iyong kapartner ay nagbibigay na sa iyo ng labis na pagkainis at pagkairita, mas makakabuti na wakasan na ang namamagitan sa inyong dalawa.

7. Pakiramdam na parang wala nang patutunguhan ang relasyon


Kung ang relasyon niyong dalawa ay hindi na nagbibigay ng kaligayahan at kasiyahan, wala ng rason para ituloy pa ito lalo na kung wala na sa inyong dalawa ang gumagawa ng paraan upang maayos ang inyong relasyon.

Comments

  1. Hndi lahat Ng mga bagay bagay ay nakadepende sa kung anu ang nasa isipan, bagkus Ang lahat ay my kapaliwanagan, base sa mga inilahad Ng iyong sanaysay, ikaw ay nagbibigay Ng isang negatibong pag sang ayon para isang relasyon na sinusubok para sa ikaka-unlad? Kung susunod Ang lahat sa inilahad mo, maaaring Ang lahat Ng sumunod ay magiging negatibo pag dating sa pagrerelasyon, para munang sinabi na pag binigyan Ng pagsubok Ang isang relasyon ay hndi na dapat pang ipagpatuloy. . ,

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…