Skip to main content

8 Pagkain Na Dapat Isama Sa Diyeta Ng Mga Taong Nasa Edad 40 Pataas!

Kung noong bata ka pa ay hindi mo masyadong inaalala kung ano ang iyong kinakain, ngayong nagkaka-edad at tumatanda ka na ay mas nagiging conscious ka na sa iyong mga pagkain. Ito ay dahil nais mo na ma-preserve ang iyong kalusugan at manatiling healthy at walang sak!t hanggang sa pagtanda. 

Kaya naman sa artikulong ito, tatalakayin ang mga pagkaing dapat isama sa diyeta ng mga taong nasa edad na 40 pataas. Narito at alamin ang mga ito!

1. Repolyo

Sa dami ng benepisyong makukuha sa repolyo, ito ay isang pagkain na dapat kainin ng mga taong nagkakaedad na. Bukod sa mabisa itong pampabawas ng timbang, makakabuti pa ito sa iyong immune system. Ang pagkonsumo ng repolyo ng regular ay nakakatulong din sa iyong paningin.

2. Honey

Hindi lahat ng matamis ay nakakasama sa kalusugan. Sa katunayan, ang honey ay isang uri ng natural na pampatamis. Di tulad ng mga artipisyal na pampatamis, ang honey ay nagtataglay ng mineral gaya ng copper, iron, magnesium, potassium, sodium, at zinc na nakakapagpatibay ng immune system. Maaaring ipangpalit ang honey sa asukal huwag lamang sosobra.

3. Olive oil

Ang mga matatanda ay conscious sa kanilang pagkain dahil maaari itong makaapekto sa kanilang pangkalahatang kalusugan.  Kaya naman dapat ang cooking oil na ginagamit sa iyong pagluluto ay iyo ring bigyan ng pansin dahil may mga oil na masama sa puso at katawan. Ang magandang gamitin ay olive oil dahil nakakapagpabawas ito ng calories sa katawan at nakakapagpa-iwas sa heart dis**se.

4. Salmon

Para sa mga taong nagkakaedad na ay dapat bawas-bawasan na rin ang pagkain ng mga pulang karne at baboy. Mas mabuti kung kumain na lamang ng isda gaya ng salmon dahil ito ay nakapa-nutritious kahit ano pang edad. Pero para sa mga taong nasa edad na 40 pataas, ang pagkain nito ay makakatulong labanan ang depresyon at mabuti para sa mga nerves.

5. Cranberry juice

Ang cranberry juice ay mayaman sa vitamin C na siguradong makakapagpalakas sa iyong immune system. Bukod pa dito, ito rin ay magandang panlaban sa urinary tract inf*ctions.

6. Carrots

Maaaring iluto, maaari ring katasin upang makuha ang juice. Ang isang katamtamang laki ng carrot ay nagtataglay na ng 203% ng iyong daily recommended vitamin A. Kaya naman kapag lagi itong kinokonsumo, mag-iimprove ang iyong balat at ang iyong paningin.

7. Oatmeal

Ang oats ay nagtataglay ng soluble fiber na nakakapagpababa ng kolesterol sa katawan upang maiwasan ang pagbabara ng fats sa iyong mga ugat. Ayon sa mga research, ang pagkain ng 3 grams ng oats araw-araw ay nakakapagpabawas na sa iyong kolesterol ng 5-10 percent.

8. Kamatis

Ang kamatis ay magandang source ng antioxidant na lycopene na nakakatulong proteksyunan ang katawan laban sa pagbuo at pagkalat ng mga c****r cells. Ang paginom ng tomato juice ay nakakatulong din sa pagprotekta laban sa heart dis**se. 

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl