Alam mo ba na ang Pakikipagusap sa Sarili ay may Mabuting Epekto Pala? Ito ang Naidudulot Nito sa Ating Pag-iisip!
Nasubukan mo na bang kausapin ang sarili mo? Sa harap ng salamin o kahit hindi? Well hindi ka nag-iisang gumagawa nito dahil marami kang kasama!
Akala ng iba na ito ay dahil nababaliw na ang isang tao, pero kapag kinakausap mo ang iyong sarili ayon sa ilang propesyonal dahil sinyales pala ito na isa kang genius! Ang pakikipag-usap sa sarili ay nakakatulong icompose ang sarili at bigyang pansin ang ibang bagay.
Narito ang ilang makakapagpatunay na maganda ang pakikipag-usap sa sarili:
Isa sa pinakamatalinong taong nabuhay sa mundo si Albert Einstein at lagi daw niyang kinakausap ang kanyang sarili. Hindi siya mahilig sa pakikipag-usap sa ibang tao, sa katotohanan mas gusto niya pang magisa kaysa sumama sa iba.
May dalawang psychologists na nagngangalang Gary Lupyan at Daniel Swingley ang nakapagresearch about ditto at ayon sa kanilang experiments, sinasabing ang pakikipagusap sa sarili ay maganda para mas gumana ang iyong utak.
Ang pakikipagusap sa sarili ay mas madaling paraan para ayusin ang iyong goals at magkaroon pa ng organized na gawain dahil sabi nga nila “It’s awkward when I’m talking to myself, but I’m not listening to me, and I have no idea what I was talking about”.
Ito rin ay nakakatulong sa pag-improve ng iyong memorization, sa pamamagitan ng pagsasaulit ulit ng mga salitang binabasa kapag ikaw ay nag-aaral mas nakakatulong itong makapagsaulo ka ng maayos.
Ayon kay Linda Sapadin na isang psychologist “It helps you clarify your thoughts, tend to what’s important and firm up any decisions you’re contemplating.”
Kung nawawalan ka ng kumpyansa sa sarili, humarap sa salamin at kausapin ang taong nasa iyong harap, maaaring may maitulong siya sa iyo, hindi man sasagot yan, pero marerealize mo na kaya mo pala.
Nakakawala ng stress, hindi lang ito nakakapagorganize ng iyong thoughts at mga gagawin kundi nakakarelax rin dahil kung masusubukan mong kausapin ang sarili, mas malalampasan mon a ang mga mahihirap na nararanasan mo sa ngayon.
Ang pakikipag-usap sa sarili ay hindi dahil baliw ka, kundi mas gusto mo lang iexpress ang iyong sarili at isa na rin itong preparation para kung kakausapin mo na ang ibang tao ay hindi ka na mahihirapan pa.
Comments
Post a Comment