Tayo ay may kanya-kanyang paboritong posisyon sa ating pagtulog. Ang iba ay nakatagilid, nakatihaya, at ang iba naman ay nakadapa. Ngunit sa dami ng posisyon na ito, ayon sa mga eksperto, ang pinaka masama at pinaka delikadong sleeping posistion ay ang nakadapa.
Karamihan sa mga tao ay ito ang pinaka komportableng posisyon ng pagtulog dahil mas madali silang makatulog at nakakapagpaiwas sa paghihilik. Pero ayon sa mga health experts, ang ganitong paraan ng pagtulog ay maaaring mauwi sa pagkakaroon ng problema sa likod. Gayundin, ang ulo at leeg ay dapat na nakakagalaw ng malaya upang magkaroon ng tamang paghinga.
Narito ang mga eksplanasyon kung bakit delikado at masama ang pagtulog ng nakadapa at sa katagalan kung ano ang magiging epekto nito sa iyong katawan:
1. Habang natutulog ng nakadapa, hindi mo namamalayan na ang iyong likod ay nasa nakapaumbok na posisyon. Kapag ang ganitong posisyon at tumagal ng ilang oras, magkakaroon ng pressure sa iyong spine at magdudulot ng pagsak!t.
2. Kapag ang isang tao ay natutulog na nakadapa, ang kanilang ulo ay nakapalipit o nakatagilid sa isang direksyon. Sa oras na ito, ang mga ugat sa kanilang bandang batok ay naiipit na pwedeng magdulot ng kakulangan ng supply ng dugo sa utak.
3. Nagkakaroon ng pressure sa iyong mga internal organs dahil ang bigat ng iyong katawan ay napupunta lahat sa iyong dibdib at tiyan. Maaaring maantala ang tamang sirkulasyon ng dugo sa katawan.
4. Ang iyong baga o lungs ay hindi makapag-expand ng mabuti. Dahil sa pressure na dulot ng pagkakadapa, napipit-pit ang iyong baga kaya hindi ito makakuha ng sapat na hangin. At kung nangyari ito, mahihirapan kang huminga ng mabuti.
5. Magkakaroon ka ng wrinkles sa mukha. Ayon sa mga beauty experts, hindi maganda ang posisyong ito dahil ito ang dahilan ng pagkakaroon ng kulubot sa mukha. Kapag ikaw ay nakadapa, ang iyong balat sa mukha at ang tela ng iyong unan ay nagkakaroon ng friction.
Ang best position ng pagtulog ay nakatihaya. Narito kung bakit!
1. Sa posisyong ito, ang iyong ulog, batok, at spine ay nakarelax sa neutral position.
2. Hindi ito nagdudulot ng additional pressure sa iyong spine kaya mas kokonti ang tiyansa mong sumak!t ang iyong katawan.
3. Nakakatulong sa mayroong acid reflux dahil iniiwasan nitong umakyat ang acid at pagkain na galing sa iyong tiyan.
Comments
Post a Comment