Limang Epektibong Paraan Kung Paano Ginagamit ang Apple Cider Vinegar Upang Tunawin ang Kidney stone
Ang kidney ay isa sa pinakaimportanteng parte ng organo sa ating katawan. Dahil sinasala niya ang mga toxins sa ating dugo, At sa pamamagitan ng pag-ihi ng tao ay nailalabas ang mga ito. Ngunit kung walang pakundangan sa pagkain ng maaalat at matatamis ay maaaring masira ito. At hindi malayong magkaroon ng sakit sa ‘bato sa bato’ o kidney stones.
Kidney Stone, ito ay isang kondisyon sa bato na nakikitaan ng isang siksikang kawangis ng kristal na bato sa ating kidney o urinary tract. Nabuo ang mga ito sa sobrang pagkonsumo sa asin at asukal na siyang nagdudulot ng impeksiy0n at pagbara sa daluyan ng ihi. Ang k0ndisyon na ito ay hindi dapat ipagsawalang bahala. Sa pamamagitan ng pag-opera at medikasyon ay maaaring magamot ito.
Subalit kung naghahanap ka ng natural na pamamaraan para maalis ang kidney stone makatutulong sa iyo ang Apple Cider Vinegar. Para malaman kung paano at kung ano ang hatid nito ay basahin ang kabuuan ng artikulo upang mabigyan ng karagdagang kaalaman.
Kilala ang Apple Cider Vinegar bilang panggamot sa mga ilang uri ng kondisyon sa balat at mga karamdaman sa tiyan. Ang suka na ito ay gawa sa mansanas na sinalak at pastyurisado. May kakayahan itong linisin ang mga toxin sa katawan at alisin ang mga sobrang mineral tulad ng kidney stones. Kaya sa pamamagitan ng pag-inom rito ay matutulungang matunaw ang kidney stones na tinataglay at mailalayo pa na makamit ang sak!t na ito. Naglalaman rin ito ng alkalizing na epekto sa dugo at ihi, na kung saan maganda ito sa regulasyon ng acid sa ating katawan.
Narito ang limang epektibong paraan kung paano ginagamit ang apple cider vinegar para matunaw ang kidney stone na tinataglay:
1. Apple Cider Vinegar with Baking Soda
Maghanda ng dalawang kutsarang apple cider vinegar at kalahating kutsarang baking soda. Ilagay ito sa isang baso at haluin. Maaari mo na itong inumin kapag naghalo na ang dalawang sangkap. Iminom nito ng dalawang beses sa isang araw.
2. Apple Cider Vinegar with Plain Water
Ito ay isang katamtamang timpla para sa pagtunaw ng ‘bato sa bato’. Sa pamamagitan ng paghalo ng dalawang kutsarang apple cider vinegar sa isang basong tubig ay matutulungang matipak at mawala ito. Gawin ito tuwing umaga ng wala pang laman ang tiyan.
3. Apple Cider Vinegar with Coconut Juice
Sa pagtimpla nito, kailangang paghaluin ang dalawang kutsarang apple cider vinegar at dalawang kutsarang coconut oil. Kapag nahalo na, dagdagan ito ng isang basong tubig. Inumin ito tuwing umaga at gabi.
4. Apple Cider Vinegar with Raw Honey
Paghaluin ang isang kutsarang apple cider vinegar at dalawang kutsarang raw honey. Inumin ito ng dalawang beses sa isang araw.
5. Apple Cider Vinegar with Lemon
Magtakal ng isang kutsarang apple cider vinegar at hiwain ang isang pirasong lemon. Ilagay ang mga ito sa baso na may tubig. Ibabad ng labing limang minuto. Inumin ito tuwing umaga ng walang laman ang tiyan at gabi.
How long it takes the suggestion
ReplyDelete