Talaga namang perwisyo sa tahanan ang mga lamok. Ang kagat ng mga ito ay hindi lamang nakakapagpairita ng balat kung di maaari din itong magdala pangamba sa kalusugan.
Sa panahon ngayon, napakarami nang produktong ginagamit panlaban sa mga lamok. Mayroong creams, spray, lotions, at kung anu-ano pa. Ngunit ang mga ito ay may taglay na mga kemikal na sa katagalang paggamit ay maaaring makasama rin sa kalusugan.
Kaya upang maitaboy ang mga lamok gamit ang natural at walang halong kemikal na paraan, ito ang mga halaman na dapat mong ilagay sa iyong tahanan!
1. Citronella
Ang citronella grass ay kadalasang ginagamit din na sangkap sa mga mosquito repellents na mga produkto sa merkado. Ito ay dahil mayroon itong amoy na ayaw na ayaw ng mga lamok. Maaaring magpalibot ng citronella grass sa inyong bahay upang walang maligaw na lamok.
2. Lavender
Ang lavender ay may mild at napakabangong amoy kaya naman karaniwan din itong ginagamit sa mga pabango, pulbo, at insect repellents. Nakakaaya ang itsura nito dahil ang bulaklak nito ay may magandang kulay na lila. Magandang ilagay ang halaman na ito sa loob ng bahay o kwarto dahil bukod sa naitataboy nito ang mga lamok ay nakakatulong din ito sa mahimbing na pagtulog.
3. Basil
Ang dahon ng basil ay isang super plant na nakakatulong itaboy ang mga lamok dahil sa matapang na amoy nito. Ang kailangan mong gawin ay ilagay ito sa labas ng tahanan o kaya ay ikuskos sa iyong balat kung pupunta sa labas.
4. Peppermint
Kilala ang peppermint dahil sa minty na lasa nito at sa mabango at relaxing na scent. Karaniwang ginagamit ang peppermint bilang pantaboy sa mga lamok dahil mild lamang ang amoy nito at hindi matapang sa ilong. Ang dapat mong gawin ay magdurog ng ilang dahon ng peppermint, at ipangpahid ito sa iyong balat upang hindi madapuan ng lamok.
5. Bawang
Ang superfood na bawang ay may kakayahan ding makapagtaboy ng mga lamok. Ang matapang na amoy nito ang ayaw ng mga lamok.
Comments
Post a Comment