Ang makating anit/ ulo ay pwede dahil sa maraming dahilan. Maaaring dulot ito ng dry skin, balakubak, kuto, at iba pang sak!t sa balat. Hindi lang ito nakakairita kung di ito pa ay nakakaistorbo sa iyong pang araw-araw na gawain.
Kung ang iyong anit/ ulo ay palaging nangangati, huwag magpanic. Dahil mayroong natural na solusyon upang ito ay matanggal at hindi ka pa gagastos ng mahal. Narito at alamin ang mga natural na remedyong makakatulong sayo!
1. Apple Cider Vinegar
Ang araw-araw na paggamit ng mga shampoo, conditioner, at iba pang produktong pang-buhok ay maaaring makapagdulot ng pagiging dry ng iyong anit. Samantala, ang acetic acid sa apple cider vinegar ay may antibacterial at antifungal na kakayahan para mapanatiling malinis ang balat sa ulo.
Maghalo ng 2-4 kutsarang apple cider vinegar sa isang tasang maligamgam na tubig. Imassage ang mixture na ito sa iyong anit matapos hugasan ang buhok. Iwanan ng ilang minuto bago banlawan. Tiyak na pati balakubak mo ay tanggal.
2. Coconut Oil
Ang coconut oil ay isang natural na moisturizer na malalaban ang problema mo sa pangangati ng iyong anit. Bukod pa rito ay nakakapagpaganda pa ito ng tubo ng buhok. Ipainit lamang ito bago imasahe sa iyong anit. Iapply ito 2 beses sa isang linggo. Ang langis ng niyog ay makakapigil sa pagkairita ng anit.
3. Raw Honey
Ang raw honey ay isa ring epektibong pangontra sa pagdami ng bakterya sa anit. Nakakatulong din itong maibsan ang labis na pangangati at pagkairita ng anit. Maghalo lang ng 9 kutsara ng raw honey sa isang basong maligamgam na tubig. Ipanghugas ito sa iyong buhok at imasahe sa anit. Ibalot ang iyong ulo gamit ang twalya at hayaan ng ilang oras bago banlawan.
4. Saging at avocado
Ang dalawang prutas na ito kapag pinaghalo upang maging paste ay maganda para sa ulo. Ang gagawin lamang ay magdurog ng 2 saging at avocado at ipahid ito sa anit. Hayaang manatili sa buhok sa loob ng 30 minuto bago banlawan. Nakakapagpaganda pa ito ng pagtubo ng buhok, at ginagawang makintab at mabango ang buhok.
Comments
Post a Comment