Humihilik ba kayo o may kakilala ba kayong malakas humilik sa pagtulog? Ang paghihilik o snoring ay isang karaniwang problema na naaapektuhan mapa lalaki man o babae.
Nangyayari ito kapag nagkakaroon vibration sa iyong lalamunan dahil may nababarang hangin habang ikaw ay humihinga sa iyong pagtulog. Ito ay isang uri ng sleeping disorder at ang sobra o matinding paghihilik ay nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.
Samantala, narito ang mga natural na remedyo na maaari mong subukan upang mabawasan ang paghihilik:
1. Itaas o I-elevate ang iyong unan
Nakakatulong ang paglalagay pa ng isa o dalawang unan sa iyong hinihigaan upang magkaroon ng mas madaling paghinga at upang ang iyong dila ay hindi humaharang sa iyong lalamunan.
2. Matulog sa iyong tagiliran o side
Ang pagtulog sa iyong likod ay nagdudulot ng pressure sa iyong throat o lalamunan kaya ito ang dahilan ng iyong paghihilik. Mainam na matulog sa iyong side upang maiwasan ang pressure na ito.
3. Gumamit ng peppermint oil
Ang peppermint ay mayroong anti-inflammatory na kakayahan na nakakatulong bawasan ang pamamaga ng iyong mga membranes sa lalamunan at ilong. Mabisa din itong pampaluwag ng paghinga.
Maaaring maglagay din ng peppermint oil o scent sa iyong humidifier bago matulog. Pwede ring maglagay ng kaonting peppermint oil sa ibaba ng iyong ilong bago matulog.
Maaaring maglagay din ng peppermint oil o scent sa iyong humidifier bago matulog. Pwede ring maglagay ng kaonting peppermint oil sa ibaba ng iyong ilong bago matulog.
4. Steam Inhalation
Isang dahilan ng paghihilik ay dahil sa baradong ilong. At ang pagsinghot ng steam ay isang mabisang paraan para ma-relieve ang pagkakaroon ng baradong ilong.
Magpakulo ng tubig at ilipat ito sa isang palanggana. Magpatak ng eucalyptus oil. Gamit ang tuwalya itutok ang mukha sa palanggana at takpan ang iyong ulo habang sinisinghot ang steam galing sa mainit na tubig. Huminga-hinga upang mawala ang baradong ilong at magkaroon ng maayos na pagtulog.

5. Honey
Ang honey ay mayroong anti-inflammatory properties na kayang pahupain ang pamamaga sa iyong throat area. Dahil tumutulong itong ilubricate ang iyong lalamunan para maiwasan ang vibrations na nagdudulot ng paghilik. Ihalo ang isang kutsarang honey sa isang basong may gatas at inumin bago matulog.
6. Magbawas ng timbang
Minsan ang pagkakaroon ng sobrang timbang ang siyang dahilan ng paghihilik dahil sa sobrang taba sa iyong leeg na siyang nagkakapagbara sa hangin.
Comments
Post a Comment