Kung iisipin, noong unang panahon ay hindi naman uso ang kama o kutson na tuluguan. Ang ating mga ninuno ay natutulog lamang sa papag, sa banig, o sa sahig. At ang nakakamangha pa dito ay kahit na matigas ang kanilang hinihigaan ay mas kakaunti ang kanilang dinadaing na sak!t sa katawan.
Kung papansinin, ang mga Japanese ay ganito ang uri ng kanilang tulugan dahil mas benepisyal ito sa kalusugan. Hindi lang ito nakakaganda ng tindig kundi nakakapag-improve din ito ng overall well being. Narito at alamin ang kagandahang naidudulot nito!
1. Iniimprove ang iyong postura
Ang patulog sa sahig ay nakakapag-improve ng iyong postura o tindig. Dahil inaalign nito ang iyong likod, leeg, at ulo sa tamang posisyon. Pinapanatili nito ang natural sleeping position ng katawan at higit sa lahat ay nirerelax nito ang iyong mga musles.
2. Binabawasan ang pananak!t ng likod
Ang pagtulog sa sahig ay maganda para sa iyong spine dahil tinutuwid nito ang iyong likod sa natural na postura. Ngunit maging aware sa iyong posisyon kapag natulog sa sahig. Ang pagtulog na nakatihaya ay ang pinakamagandang posisyon para maiwasan ang pagsak!t ng likod.
3. Tinutuwid ang iyong balikat at balakang
Ang kadalasang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pananak!t sa iyong likod o spine ay dahil sa misalignment ng iyong balikat o balakang. Kapag natulog ka sa sahig, tinutuwid nito ang iyong balakang at balikat sa natural at mas magandang paraan.
4. Panlunas sa insomnia
Ang hindi komportableng tulugan ang isang dahilan ng pagkakaranas ng insomnia dahil sa walang humpay na paglipat lipat na posisyon. Minsan ang kutson ng kama ang dahilan nito dahil hindi mo makuha ang komportableng posisyon para makatulog. Kapag naranasan ito, subukang humiga sa sahig.
5. Iniiwasang mag-overheat ang katawan
Isang karaniwang problema kapag natutulog sa kutson o malambot na kama ay ang pag-ooverheat ng katawan dahil nata-trapped ang init sa pagitan ng kama at iyong balat. Ito ay maaaring magdulot ng pagkaantala ng pagtulog. Kaya kung sa sahig ka natulog, tiyak na may airflow sa iyong likod.
Comments
Post a Comment