Ang alam ng karamihan na ang pagkain ng itlog araw-araw ay masama sa kalusugan dahil daw nakakapagpataas ng kolesterol at iba pa. Ngunit sa katunayan, ang itlog ay isang masustansyang pagkain na nakakapagpatalino, nakakapagpalusog, at maging nakakapagpapayat.
Kaya naman bago mo pa isiping huwag kumain ng itlog, alamin mo muna ang mga healthy benefits na makukuha mo dito!
1. Mayaman sa nutrisyon
Kung mapapansin, ang itlog ay karaniwang pagkaing ibinibigay sa mga may sak!t dahil ito ay nakakapagpalusog at nakakapagpalakas. Ito ay sagana sa nutrisyon at bitamina na sumusuporta sa katawan.
2. Tumutulong sa mga taong may iron deficiency
Ang mga taong mayroong mild iron deficiency o kakulangan ng supply ng iron sa katawan ay nakakaranas ng panghihinga, pagsak!t ng ulo, at pagiging irritable. Ang pula ng itlog o egg yolk ay natataglay ng iron na madaling maabsorb ng katawan na makakatulong sa may iron deficiency.
3. Hindi nito pinapataas ang kolesterol
Noong taong 1990s ay kumalat ang balita na ang itlog ay nakakasama sa kalusugan dahil ma-kolesterol. Ngunit ayon sa mga napatunayang pananaliksik, sa katunayan, ang itlog ay maganda sa katawan.
Ang itlog ay isa sa mga pagkain na mabilis makapagpabusog. Ito ay nagtataglay ng mataas na lebel ng protina at esensyal na nutrients na nagbibigay ng enerhiya sa iyong katawan upang magampanan ang iyong mga gawain araw-araw.
5. Mabisang pampa-diyeta/ pampapayat
Kung nais mong makapagbawas ng timbang, isama ang itlog sa iyong diet. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng itlog sa umaga ay nakakapagpahaba ng oras ng pagkabusog kaya naman maiiwasan mo ang pagkain ng mga unhealthy foods.
6. Pampatalas ng isipan
Ang choline ay isang nutrient sa itlog na tumutulong sa brain development ng isang sanggol. Itong nutrient na ito ay tumutulong din sa mga buntis at nanganak. Dahil importante ito sa pagdevelop ng utak ng kanilang mga anak para maging matalino at matalas ang pagiisip.
7. Pinoprotektahan ang ating mga buto
Ang mga itlog ay isa sa mga natural food sources ng vitamin D. Ang bitaminang ito ay esensyal para sa calcium absorption na tumutulong sa pagme-maintain ng matibay na buto. Kaya naman maganda itong kainin para maiwasan din ang osteroporosis.
Comments
Post a Comment