Sa panahon ng pagbubuntis ng isang babae ay karaniwan nilang nararanasan ang pagkakaroon ng tigyawat, pimples o acne. Ayon na rin sa March of dimes, ang mga babaeng nakakaranas ng pagtitigyawat tuwing panahon ng kanilang menstruation ay hindi nalalayong dumanas ng pregnancy acne kapag sila ay nabuntis. Ang pagtaas ng hormones ay tinatawag na androgens. Ito ay nagdudulot ng paglaki at paggawa ng sobrang langis sa ating balat. Ang langis na ito ay maaaring maging pimples, blackheads, whiteheads at acne na nagsasanhi ng bacteria at implamasyon.
Kung isa ka sa mga buntis na naghahanap ng natural na remedy para sa iyong acne, Ang artikulong ito ay makatutulong sa iyo. Basahin ang mga sumusunod na natural remedies.
Narito ang anim na natural acne remedies para sa mga buntis:
1. Honey
Ang honey ay naglalaman ng antibacterial at antiseptic na nakatutulong sa paggamot ng acne. Nakapagpapaginhawa rin ito sa balat. Sa pamamagitan ng pagpahid nito sa iyong balat ay makukuha ang benepisyong taglay nito.
Paano:
-Hugasan ang iyong mukha ng maligamgam na tubig. -Kumuha ng honey at ipahid sa apektadong mukha. -Hayaan ito ng dalawampung minuto. -Makalipas ang minuto, Maaari nang banlawan ang mukha ng maligamgam na tubig. Gawin ito tuwing umaga at gabi.
2. Baking Soda
Kung nakararanas ng sobrang paglalangis ng mukha at acne may maitutulong ang baking soda para diyan. Sa pagpahid ng baking soda sa iyong mukha ay matutulungang pigilan ang sobrang paggawa ng langis sa mukha at may kakayahang pagalingin ang pinoproblemang acne.
Gawin lamang ito:
-Maghanda ng isang kutsarang baking soda at tubig. -Ilagay ito sa malinis na lalagyanan at paghaluin. -Pahiran ang mga tigyawat. Hayaan ito hanggang sa matuyo. -Maaari nang hugasan ang mukha matapos matuyo ang inilagay na baking soda sa mukha.
3.Apple Cider Vinegar
Hindi lamang sa pag-inom nito makakakuha ng benepisyo dahil sa pamamagitan ng pagpahid nito sa mukha ay mawawala ang pinoproblemang tigyawat.
Paraan sa paggawa:
-Kumuha ng isang cotton ball at ibabad sa isang kutsarang apple cider vinegar. -I-apply ito sa iyong mukha para masipsip ang sobrang langis. Hayaan ng ilang tatlong minuto. At hugasan ang iyong mukha. -Maaari rin itong gawing toner sa pamamagitan ng paghalo ng kalahating bote ng apple cider vinegar at tatlong baso ng tubig. Ito ay makakabuo ng isang natural toner na mayamaman at naglalaman ng natural na enzymes at alpha hydroxyl acids.
4.Oatmeal and Cucumber
Sa paggamit ng cucumber at oatmeal sa ating mukha ay mapapaginhawa at mapapahupa ang acne sa ating mukha. Kung may nakikitang oatmeal at pipino sa inyong kusina, gawin lamang ang mga sumusunod na hakbang para sa paggawa ng oatmeal at pipino mask.
-Balatan at hiwain ang pipino
-Ilagay sa blender ang pipino at oatmeal. Iblend ito hanggang sa matunaw. -Kapag naghalo na at natunaw, hayaan muna na nakalagay sa freezer. -Ilagay ito ng labing isang minuto sa iyong mukha. Hugasan ito pagkatapos.
5.Coconut oil
Kilala ang cococnut oil bilang pampaganda ng buhok, at balat. Sa taglay na antibacterial at antifungal nito ay makatutulong ito para mapaginhawa at mapahupa ang iyong acne sa mukha. Ito rin ay madaling sipsipin ng balat.
Dapat na gawin:
-Ibabad ang bulak at ipahid sa mukha. Hayaan ito ng limang minuto. Banlawan ang mukha pagkatapos. -Imbes na gamitin ang moisturizer bago matulog, pahiran na lamang ng virgin coconut oil ang iyong mukha.
6.Calamnsi or Lemon
Ang calamansi at lemon na makikita sa inyong kusina ay makatutulong upang matanggal ang mga pores at dead skin cells sa ating mukha. Ang nilalaman na benepisyo nito ay naghahatid ng epektibong paraan para mapagaling ang acne sa ating mukha. Kailangan na gawin:
-Hiwain ang kalamansi o lemon. Pigain ito upang lumabas ang katas. -Gamit ang bulak, direktang ipahid ito sa apektadong mukha. -Hayaan ng sampong minuto hanggang sa matuyo. -Hugasan ito ng malamig na tubig.
Comments
Post a Comment