Isa sa mga problema mapa babae man o lalaki ang pagkakaroon ng tuyong anit na may kasamang balakubak! Bakit ito naging problema? Dahil nagdudulot ito ng sobrang pangangati ng iyong ulo na madalas ay hindi na komportable.
Ito rin ay maaaring magdulot ng kawalan ng kumpyansa sa sarili dahil ito ay nakakadiri lalo na kapag nalalaglag sa iyong balikat. Kaya naman para matanggal ito, narito ang mga madaling paraan para matanggal ito.
1. Langis ng niyog
Ang langis ng niyog ay matagal ng ginagamit kahit pa ng ating mga ninuno noon bilang pantanggal ng mga nakadikit na balakubak sa anit. Tinagurian itong "blessing for the hair" dahil nakakapagpaganda rin ito ng tubo ng buhok.
Ipahid lang ang langis sa iyong anit, hayaan ng ilang minuto bago suyurin. Matapos ay maaari ng banlawan gamit ang shampoo at tubig.
2. Baking Soda
Sa dami ng gamit ng baking soda, maaari rin nitong matanggal ang iyong balakubak. Nakakatulong itong puksain ang mga fungus na dahilan ng pagkakaroon ng balakubak. Basain ng kaunti ang buhok at ihalo ang baking soda sa iyong shampoo saka ikuskos sa buhok. Matapos na gawin ito ay banlawan agad.
3. Lemon
Ang katas ng lemon ay nakakatulong balansehin ang pH level ng iyong anit at nakakapagpatanggal ng pangangati. Epektibo rin itong pantanggal ng mga sobrang langis sa iyong ulo at nakakapagpigil sa pagdami ng bakterya. Iapply ang katas ng lemon sa iyong anit at iwanan sa loob ng 30 minuto bago hugasan.
4. Apple Cider Vinegar
Ang antifungal na kakayahan ng apple cider vinegar ay mabisang remedyo para matanggal ang matinding pangangati at dry skin na nakakapagdulot ng balakubak. Ang acid content nito ay nakakapagpabago sa pH level ng anit para maiwasan din ang pagdami ng bakterya.
Ihalo ang parehong amount ng apple cider vinegar at tubig. Ipanghugas ito sa ulo at iwan sa loob ng 15 minuto bago banlawan.
5. Baby Oil
Ang baby oil ay isang napaka-mild na remedyo pantanggal ng balakubak lalo na sa mga bata. Gamit ang bulak, lagyan ito ng baby oil. Ikuskos ang bulak sa anit upang lumubak ang mga nakadikit na balakubak. Gamit ang suyod, maaari ng suyurin ang mga nakalaglag na balakubak sa anit.
Comments
Post a Comment