Karamihan sa atin ay gusto na maging slim, fit, at healthy. Ngunit isa sa mga suliranin ng karamihan ay ang pagkakaroon ng sobrang taba sa katawan at belly fat. Kung tutuusin, ang pagkakaroon ng sobra-sobrang taba sa katawan ay hind maganda dahil pwede itong magdulot ng diabetes, sak!t sa puso, at kung ano-ano pang karamdaman.
Napakaraming paraan para magpapayat, ngunit may mga pagkain na nakakatulong sa pagbabawas ng timbang kapag ito ay isinama sa iyong diyeta. Narito at alamin ang mga ito!
1. Prutas
Ang mga prutas ay mayaman sa bitamina at mineral kaya naman esensyal ito isama sa inyong diyeta. Pero importanteng malaman na hindi dapat sumosobra ang pagkain nito dahil nagtataglay ang mga ito ng natural sugar. Ang mga prutas gaya ng orange, kiwi, lemon, apples, grapes, watermelon, at strawberries ay magandang halimbawa ng mga fat burners na makakatulong pabilisin ang iyong metabolismo.
2. Isda
Ang mga isda ay magandang mapagkukuhanan ng protina at omega-3 fatty acids. Ang protina ay nakakatulong sa muscle build-up, samantalang ang omega-3 naman ay pinapataas ang metabolic rate ng katawan upang mas madaling masunog ang taba.
3. Almonds
Ang mga almonds ay kayang panatilihin kang busog kahit sa mahabang oras. Sa katunayan, ito ang kadalasang kinakain ng mga vegetarians na gustong magsunog ng sobrang taba sa katawan. Nagbibigay din ito ng enerhiya at nagpapaganda ng metabolismo.
4. Spinach
Ang mga green leafy vegetables gaya ng spinach ay mayaman sa fiber na nakakatulong bawasan ang bilbil sa tiyan. Magandang kainin ang mga ito dahil nililinis nito ang iyong mga bituka at pinabibilis ang metabolismo.
5. Oatmeal
Mapapansin na kadalasang pagkain ng mga nagda-diet at nagwo-work out ay ang oatmeal. Ito ay dahil mayaman ito sa insoluble fiber na kayang kang pabusugin agad habang binabawasan ang fat content sa iyong katawan. Ngunit siguraduhin na ang oatmeal na iyong kakainin ay flavorless dahil ang mga flavored oatmeal ay nagtataglay ng asukal.
6. Peanut butter
Ang peanut butter ay magandang option para magkaroon ng lasa ang inyong tinapay sa umaga o snack. Ang mani na sangkap nito ay mayaman sa protina at healthy fats. Ngunit huwag lamang sosobra sa higit isang kutsara kada serving.
7. Extra Virgin Olive Oil
Kung talagang seryoso ka iyong pagpapapayat, dapat ay maging aware ka rin sa uri ng mantika na iyong ginagamit sa pagluluto. Dahil may mga mantika na nakakapagpataas ng bad cholesterol sa katawan. Makakabuti kung gagamit ng extra virgin olive oil kapag magluluto dahil nakakatulong itong magpabawas ng timbang at mabuti pa sa puso.
8. Brown rice
Isa sa mga pagkaing nakakapagpadagdag ng timbang at nakakapagpalaki ng bilbil ay ang white rice. Ngunit kung nais mong magdiet upang mabawasan ang timbang, dapat ay brown rice ang iyong kainin. Dahil ito ay sagana sa protina at dietary fibers na nakakatulong magpabusog agad at nililinis ang iyong bituka.
9. Chia seeds
Ang chia seeds ay nakapaganda para sa pagpapapayat. Naging uso na rin ngayon ang paglalagay ng chia seeds sa mga smoothies, salads, at detox drinks dahil nga naman sa taglay nitong fiber. Ang pagkonsumo ng chia seeds ay nakakapagpaiwas na mapakain ka ng marami, iniimprove ang iyong pagtunaw at sinusuportahan ang kalusugan ng iyong tiyan.
10. Itlog
Ang pagkain ng 1-2 itlog araw araw ay esensyal sa katawan. Dahil ang mga ito ay nagtataglay ng mataas na protina at fat soluble vitamins na nagpapanatiling busog ka sa mahabang oras. Tumutulong din ito magbuild ng lean muscles kaya naman ito rin ang karaniwang pagkain ng mga nais magkaroon ng muscles at abs.
Comments
Post a Comment