Skip to main content

6 Paraan Upang Matanggal Ang Mga Dark Spots At Pekas Sa Katawan

Ang ating balat ang pinakamalaking organ sa ating katawan. Ito ang nagsisilbing panangga o barrier laban sa mga masamang elemento sa ating paligid. Ang hindi pag-aalaga ng mabuti sa iyong balat ay maaaring makapagdulot ng iba't ibang skin conditions at maagang pagkulubot at pagtanda.

Isa sa mga karaniwang kondisyon sa balat ay ang pagkakaroon ng mga pekas at dark spots. Ito ang mga dark discoloration na lumilitaw sa balat partikular sa mukha, sa likod, at iba pang parte ng katawan. At maaaring lumitaw ang mga ito sa kahit anong edad.

Bakit nagkakaroon ng dark spots o pekas?

Ang mga dark spots ay maaaring lumitaw lamang ng hindi inaasahan. Ngunit napakaraming factors din ang makakapagdulot ng skin condition na ito tulad ng pagkabilad sa araw, implamasyon, pagbabago sa iyong hormones, problema sa iyong atay, medikasyon, at pagtanda. 

Kaya narito ang mga simpleng paraan upang ang mga ito ay matanggal at ma-lighten.

1. Patatas

Ang katas ng patatas ay nakakatulong upang mapaputi ang mga dark spots at blemishes sa iyong balat. Maaaring mag-apply ng potato juice sa mga parteng nais pumuti o maaari ring ipahid ang manipis na slice ng patatas sa iyong mga pekas at hayaang nakababad ng ilang minuto bago hugasan ng tubig. Maaari magkita ang pagbabago sa loob ng 7-8 na araw.

2. Aloe Vera

Ito ay mag anti-aging at skin nourishing properties na mabisang remedyo para sa balat. Kumuha ng fresh na dahon ng aloe vera sa ito hatiin. Ikaskas ang gel sa iyong balat lalo na sa parteng may mga dark spots. Hayaan itong matuyo sa balat bago banlawan. Ulitin araw-araw.

3. Balat ng orange

Bago itapon ang mga balat ng orange ay maaari mo pa itong gamitin upang makagawa ng face mask para mapaputi ang mga pekas sa mukha. Patuyuin ang mga balat saka igrind. Kapag nakagawa na ng orange peel powder ay takalin ito sa 1 kutsara at ipaghalo sa 3 kutsara ng gatas. I-mix ng mabuti hanggang makagawa ng paste at iapply ang mask sa mukha. Hayaan ng 10-15 minuto bago banlawan. 

4. Lemon 

Ang lemon ay kilala na bilang isang natural na pampaputi ng balat. Gamit ang fresh lemon juice, isawsaw ang bulak dito. Ipahid ang bulak na may lemon juice sa mga parte ng katawan na may dark spots. Hayaang matuyo ang katas ng lemon bago hugasan. Mag-ingat lamang dahil sa ibang sensitibong balat ay maaari itong mahapdi.

5. Coconut oil

Ang coconut oil ay isang natural na remedyo na nagbibigay ng napakaraming magagandang benepisyo sa balat. Ito ay may nourishing, anti-bacterial, at moisturizing effect sa balat. Iapply lamang ito sa apektadong balat at hayaan itong maabsorb ng mabuti.

6. Apple Cider Vinegar

Maghalo ng parehong amount ng tubig at apple cider vinegar sa isang lalagyan upang makagawa ng DIY skin toner. Iapply ito araw-araw sa mga parte na may dark spots hanggang mag-fade ang mga ito.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-