Isa na sa mga hindi komportableng pakiramdam ang pagkakaroon ng migraine o labis na pagsak!t ng ulo. Ang migraine ay hindi tipikal na sak!t lamang ng ulo. Alam na alam mo na iba ito dahil makakaranas ka ng parang malakas na pagtibok ng pulso sa gilid ng iyong noo, pagiging sensitibo sa ilaw, at minsan ay pagduduwal/pagsusuka.
Walang tiyak na rason kung bakit bigla mo na lamang nararanasan ito. Ngunit mayroong napakaraming factors na maaaring magdulot ng migraine tulad ng pagbabago sa iyong brainstem, imbalance sa mga brain chemicals, stress, pagbabago sa sleep cycle, etc.
Samantala, mayroon din namang natural na remedyo upang guminhawa ang pakiramdam at malabanan ang migraine.
1. Mag-apply ng lavender oil
Ang lavender oil ay nakakatulong magpawala ng sak!t ng ulo. Ayon sa isang research, ang mga taong sumubok amuyin ang lavender oil tuwing may migraine attack ay nakakaranas ng ginhawa sa loob lamang ng 15 minuto. Maaaring singhutin ang amoy nito o ilagay sa gilid ng noo. Ito ay may calming at soothing effect sa katawan.
2. Pag-apply ng acupressure
Ang mga nerves sa ating katawan ay konektado sa ating utak. Kaya kapag nag-apply ng acupressure sa mga ispesipikong parte ng katawan tulad ng palad, paa, at ulo ay nakakatulong guminhawa ang mga kirot na nararamdaman.
3. Luya
Ang salabat na gawa sa luya ay nakakatulong sa pag-iwas ng pagduduwal, pagsusuka, at migraines. Mabisa rin ito sa pagpapabawas ng paglala ng sak!t ng ulo. Magpakulo lamang ng luya at saka inumin itong paraang tsaa.
4. Paglalagay ng peppermint oil
Tulad ng langis ng lavender, ang peppermint oil ay nakakapagparelax din ng pakiramdam dahil sa mabangong amoy nito. Ayon sa isang pag-aaral, ang paglalagay ng menthol solution sa iyong noo at gilid nito ay nakakatulong magpawala ng migraine.
5. Mag-yoga
Ang yoga ay isang ehersisyong nagsasagawa ng breathing techniques, meditation, at body postures para sa pangkalahatang kalusugan. Base sa mga research, ang yoga ay nakakatulong mapaginhawa ang paglala ng migraine. Nakakatulong din itong malabas ang tensyon sa katawan.
5. Maglagay balat ng saging sa noo
Subukang maglagay ng balat ng saging sa iyong noo kapag nakakaranas ka ng pagkasak!t ng ulo. Dahil ang balat ng saging ay mayroong natural cooling effect, makakatulong itong bawasan ang implamasyon sa iyong ulo.
6. Magpahinga at magkaroon ng sapat na tulog
Minsan kaya nakakaranas ka pagsak!t ng iyong ulo ay dahil sa stress, puyat, at pagod. Dapat bigyan mo ang iyong katawan ng pahinga at sapat na tulog upang maiwasan itong ma-overwork.
7. Uminom ng maraming tubig
Isa sa mga dahilan ng pakaranas ng pagsak!t ng ulo ay dahil kulang sa tubig ang iyong katawan. Upang maiwasan ito, dapat ay laging uminom ng sapar na tubig araw-araw. At bawasan ang paginom ng mga inuming matatatamis.
Comments
Post a Comment