Sa buhay mag-asawa, siguradong mayroong susubok sa inyong pagsasamahan. At isa na rito ang tukso, na kung saan nauuwi sa pangangaliwa, pambababae, o pagkakaroon ng kabit. Ang pagsubok na ito ay maaaring makawasak sa samahan ng mag-asawa at isa na siguro ito sa mga pinangangambahang mangyari sa isang relasyon.
Ngunit bukod sa inyong pagsasahaman, ano pa nga ba ang dapat gawin ng isang babae (misis) upang mapanatiling siya lamang ang babaeng mamahalin ng kanyang asawa? Narito ang mga bagay na dapat gawin upang maiwasang mangaliwa ang iyong mister at mas lalo ka niyang mamahalin!
1. Maging masiyahin
Iba pa rin ang pakiramdam ng isang lalaki kapag uuwi siya at makikita niyang masaya ang kanyang misis. Ang pagiging masayahin ay nakakaalis ng pagod lalo na kung buong araw ay nai-stress ka sa iyong trabaho. Tulad nga ng kasabihan, "a happy wife means a happy life."
2. Magbihis at mag-ayos ka para sa kanya
Kahit na kayo ay mag-asawa na, dapat ay manatili ka pa ring kaakit akit sa kanyang paningin upang hindi siya tumingin sa ibang babae. Isang rason kung bakit nambababae ang ibang asawa ay dahil mas naaattract sila sa mga babaeng hindi pinapabayaan ang kanilang mga sarili.
3. Pag-usapan ang mga bagay na tungkol sa kanya
Dahil ang mga lalaki ay may dominanteng katangian, gusto nilang pinaguusapan ang mga magagandang bagay tungkol sa kanila dahil nakakadagdag ito ng kanilang pagkalalaki at kumpyansa sa sarili. Bilang isang asawa, dapat ay ipagmalaki mo rin sa iba ang mga magagandang katangian at accomplishments niya.
4. Bigyan siya ng sariling espasyo
Hindi dahil mag-asawa na kayo ay dapat lagi kayong magkadikit bawat oras. Ayaw ng mga mister na parang sinasakal sila ng kanilang mga misis at pinipigilang gawin ang mga bagay na gusto nilang gawin. Bigyan sila ng personal space dahil makakatulong din ito upang mag-grow ang inyong relasyon at mas maging mature.
5. Humingi ng tawad at magpatawad
Sa bawat relasyon ay kailangang matutunan ang bagay na ito. Hindi dapat laging pinapairal ang pride. Kung nagkamali ay humingi ng tawad at matuto ka ring magpatawad. Dahil kung inipon mo lamang ang sama ng loob ay walang magandang mangyayari.
6. Makisama at alamin ang kanyang interes
Mas madaling magkonekta ang dalawang tao kapag sila ay may common interest. Dapat ay matutunan mo kung ano ang mga bagay na nakakapagpasaya sa iyong asawa. Halimbawa, kung paborito niyang manuod ng basketball, maaaring samahan siyang manuod ng kanyang paboritong laro.
7. Maging flirty pa rin minsan-minsan
Minsan kaya nawawalan ng gana ang ibang mister sa kanilang misis ay dahil nawawala na ang excitement. Dapat kahit mag-asawa na kayo ay makipag-flirt pa rin sa kanya upang ma-spice up ang inyong marriage.
8. Ipagdasal ang inyong relasyon
Ang pagkakaroon ng spiritual resonance ang magpapalapit at magpapatatag sa iyong relasyon sa iyong asawa. Ang pagdarasal ay nakakatulong din makapagpanatag sa iyong loob. Iba pa ring ang misteryong nagagawa ng pagdarasal sa Diyos.
Tama po kau kasi nagiging pabaya na aq sa akin sarili at masyado q syang hinihigpitan kaya cguro nawawalan na ng pagmamahal yung asawa q sa akin,maraming salamat po sa advise gagawin q po ang lahat ng mga tinuro nyo po,god bless
ReplyDeleteParehas may llaki hndi kuntentovsa butas ng bbae at nghnp pparin
ReplyDeleteMssikip