Napakarami nang beauty products na nagsisilabasan ngayon. Ngunit wala pa ring tatalo sa mga all natural beauty products na maaari mong matagpuan sa inyong kusina. Bukod sa healthy na ito sa iyong tiyan, ay maganda rin ito sa balat dahil wala itong halong mga matatapang na kemikal.
Napakarami sa mga kababaihan ang gumagastos ng napakamahal para lamang makapagpaganda. Buti na lamang sa pamamagitan ng mga kitchen ingredients na ito ay makakamit mo pa rin ang kagandahan na iyong ninanais na hindi gumagasta ng mahal. Narito't inyong alamin!
1. Lemon o kalamansi juice para sa pagpapaputi ng balat
Ang katas ng lemon o kalamansi ay may properties na nakakatulong magpaputi ng balat. Kung nais na paputiin ang iyong batok, leeg, siko, tuhod, kili-kili o mukha ay magpahid lamang ng katas nito sa mga parteng gusto mong paputiin. Maging maingat lamang dahil sa ilang sensitibong balat ay maaaring magdulot ito ng pamumula o paghapdi.
2. Brown sugar pampalambot ng labi
Kung ang iyong labi ay dry at nagbabakbak, magandang gamiting lip scrub ang brown sugar. Ang magaspang na texture nito ay nakakatulong upang alisin ang mga d*** skin cells sa iyong labi at gawin itong malambot.
3. Pipino para sa eyebags
Popular na ang paggamit ng pipino para sa mga eyebags at namamagang mata. Nakakatulong ito na bawasan ang water retention at ginagawang mas masigla ang itsura ng iyong mga mata. Bukod dito ay mare-refresh pa ang iyong mukha.
4. Honey para pantanggal ng dark spots
Ang ating mukha ay napakasensitibo kaya huwag lamang basta basta maglagay ng kung ano anong produktong maaaring makasira nito. Samantala, isang natural beauty product ang honey na safe para sa balat ng iyong mukha. Sa pamamagitan ng paghalo ng honey at kaunting lemon juice ay maaari itong gawing mask upang ma-lighten ang mga dark spots sa mukha.
5. Avocado pampaganda ng buhok
Kunin ang laman ng avocado saka ito i-mash upang maging parang paste. Tapos ay maaaring ipahid ito sa iyong buhok at gawing hair mask. Ang langis sa prutas na ito ay nakakatulong imoisturize ang buhok at anit upang hindi ito manuyo. Nakakatulong din ito upang gumanda ang bagsak ng buhok.
6. Greek yogurt para sa na-sunburn na balat
Ang malamig at smooth na texture ng yogurt ay nakakatulong upang maibsan ang pamumula ng balat na dulot ng sunburn. Maaari rin itong gawing face mask upang maexfoliate ang balat at mabawasan ang paglitaw ng mga wrinkles.
7. Coconut oil pantanggal ng make up
Sa katunayan, napakaraming pwedeng paggamitang ang coconut oil bilang pagpapaganda dahil ito ay natural, safe, at mild. Maaari itong gamitin sa buhok upang gumanda ang tubo, gamitin bilang moisturizer sa balat upang maiwasan ang skin dryness, gamiting mouthwash upang matanggal ang bad breath, etc. Pero para sa mga babaeng mahilig magmake-up maaari mong tanggalin ang iyong make-up gamit ang coconut oil.
8. Puti ng itlog pampaliit ng pores sa mukha
Ang puti ng itlog o eggwhite ay magandang gawing beauty face mask dahil nakakatulong itong bawasan ang pagiging oily ng mukha dahil may kakayahan itong paliitin ang mga naglalakihang pores.
Thanks for your sharing sa mga tips keep up the good work.
ReplyDelete