Ang masama o pangit na panlasa ay nakakaapekto sa ating pagkain. Maaaring sintomas ito ng isang karamdaman o di kaya ay dahil lamang sa nakain. Ngunit kahit ano pa man ang iyong panlasa mapa-maasim, mapait, matamis o metallic man yan ay dapat lamang na malaman ang dahilan nito.
Narito at alamin kung ano ang ibig sabihin ng iyong pangit na panlasa.
1. Maaaring ikaw ay buntis
Ang mga babae tuwing sila ay nagdadalang tao ay maaaring magbago ang kanilang panlasa. Bukod sa madaling mapagod at naduduwal ay maaaring may pagbabago rin sa kanilang food choices. Ito ay dahil sa h0rmonal changes na nagaganap sa kanilang katawan. Ang ating h0rm0nes ay nakakaapekto sa ating pang-amoy at panlasa kaya naman mayroong pagkakataon na kung dati ay kinakain mo naman ang isang pagkain, kapag ikaw ay nagdadalang tao ay parang nasusuka ka nalamang kapag nakain o naamoy mo ito.
2. Mayroon kang flu o sipon
Kapag ikaw ay nakakaranas ng sipon o baradong ilong, kadalasan ay nawawala rin ang iyong panlasa at nawawalan ng ganang kumain. Karamihan rin sa mga taong nakakaranas ng flu ay inirereklamong may mapait na panlasa. Ngunit huwag mag-alala dahil ito ay normal.
3. Dahil sa Dyabetis
Kung ang iyong katawan ay nahihirapang iregulate ang sugar sa iyong katawan, maaaring makaranas ka ng kakaibang matamis na panlasa sa iyong bibig. Ito rin ang nararanasan ng mga taong mayroong dyabetis. Pinapababa kasi ng karamdamang ito ang amount ng zinc na inaabsorb ng katawan kaya naman pumapangit ang iyong panlasa.
4. Mataas ang stress level ng iyong katawan
Ang pagkabalisa at stress ay nakakapagdulot ng dry mouth o nanunuyong bibig. Dahil ang ating laway ay mayroong mahalagang papel na ginagampanan sa ating kalusugan, maaaring maantala nito ang ating normal na panlasa at naglalabas ng kakaibang mga panlasa.
5. Maaaring dahil sa gam0t na iniinom
Mayroong mga gam0t na nagiiwan ng mapait na panlasa o after taste pagkatapos ininom. Kagaya ng iron, nag-iiwan ito ng metallic taste sa bibig kahit na gaano pa karaming tubig ang iyong ininom. Ngunit ayon sa mga pag-aaral, isa lamang itong side effect ng mga medisina.
6. Kulang sa linis ang iyong bibig at dila
Kapag ikaw ay nagsesepilyo, huwag kalilimutang linisin rin ang dila. Dahil pinamumugaran ito ng mga bakterya na maaaring makaantala sa iyong panlasa. Makakabuti ring ipasuri ang iyong mga ngipin sa isang dentista upang malaman kung mayroong bang sira ang iyong ngipin o problema sa gilagid na siyang nagdudulot ng pangit o masamang panlasa.
Comments
Post a Comment