Kamakailan lamang inihayag ang malawakang pag-aaral ng siyam na bansa na ang isa sa pinaka-kilalang kumpanya ng bottled water ay napag-alamang kontaminado ang mga ito ng maliliit na butil ng plastic.
Sa kanilang pag-aaral sinubukan nila ang dalawang daan limamput siyam na bote ng tubig. Nakita nila ang plastic debris sa mga siyamnaput tatlong porsyento ng mga sample na kanilang kinuha mula sa iba't ibang kumpanya ng bottled water.
Ang nakitang plastic debris sa mga samples ay ang mga kagamitan ng paggawa sa takip ng bote.
Ayon na rin sa microplastic researcher ng State University of New York na si Sherri Mason ay anim-na-put limang porsyento ng plastic debris na nalaman ay mga fragments at hindi hibla. Dagdag pa dito na nagmula ang mga plastic debris na ito dahil sa pagpoproseso.
Ang mga nakitang mga plastic debris ay nanggaling sa mismong bote at takip ng bottled water. Natagpuan din na sampung libo pataas ang nakokontamina sa loob ng isang bote ng tubig.
Humigit kumulang sa isang daang micron o 0.10 millimeter ang sukat ng plastic debris na kung saan ito ay kinokonsidera bilang "microplastics" at napagalaman itong sumusukat ng 10.4 na plastic bawat litro. Samantalang ang maliliit na plastic debris ay nasa tatlong daang dalawanput lima bawat litro.
Alam nating lahat na masama ang epekto ng plastic sa ating kapaligiran at lalo na kung ito ay nasasama sa ating kinakain araw-araw. Wala man ebidensya na mayroon itong epekto sa katawan, mainam parin na tayo ay maging mapanuri sa ating mga binibiling inumin at pagkain.
Alam rin naman nating ang mga plastic ang siyang pangunahing problema natin sa ngayon na nagdudulot ng pagkasira ng ating kalikasan na maaaring magdulot rin ng masama sa ating pangkalusugan.
Kaya importante na umiwas na tayo sa pag-inom sa mga bottled water lalo na kung hindi natin alam kung saan ito naproseso dahil maaaring ang mga bottled water na ito ay nababad sa init ng araw na kung saan posibleng matunaw ang plastic sa loob at mahalo sa ating tubig.
Comments
Post a Comment