Limitahan ang Paglagay ng Powder o Pulbos sa Inyong Baby Dahil sa Ganitong Maaaring Maging Sanhi Nito sa Katawan!
Ang sarap nga naman punusan ang pawis, maghilamos at maglagay ng powder matapos pagpawisan. Kaya naman pangunahing ginagawa natin ay ang paggamit ng 'baby powder o pulbos' sa katawan at mukha upang maibsan ang init na nararamdaman. Idadag pa ang bango na hatid nito at maiwasan ang sobrang pagpapawis. Ngunit ayon sa pag-aaral ng American Academy of Pediatrics, alam niyo ba na maaaring maging sanhi ito ng problema sa kalusugan ni baby?
Bakit nga ba maaaring maging problema ito sa kalusugan ni baby?
Ayon rito ang madalas na paggamit ng pulbos at pagkalanghap ni baby ay mataas ang tiyansang magkaroon ng problema sa paghinga tulad na lang ng sak!t na asthma. Samantalang ang paglalagay naman ng pulbos o baby powder sa kaniyang pribadong ari ay mapagmumulan ng sak!t na ovarian k@ns*r.
Kaya naman iwasan na ang madalas na pag gamit nito sa inyong mga baby lalo na sa paglalagay sa maselang bahagi ng kanilang katawan.
Paano nga ba maiiwasan ang rashes at iba pang sak!t na dulot ng pawis bukod sa paggamit ng powder?
1. Paliguan araw-araw ang ating mga anak. Maaaring gawin ito ng dalawang beses sa isang araw upang mapawi ang init na kanilang nararamdaman.
2. Tiyakin na ang gagamiting sabon sa inyong mga anak ay mild soaps lamang at may kasama itong moisturizer upang hindi magdry ang kanilang balat.
3. Hindi maiiwasan ang kanilang pagpapawis kaya naman laging punasan ang kanilang kilikili, leeg, singit at likod upang hindi mapagmulan ng pagkairita ng balat.
4. Huwag itong hahayaang matuyuan ng pawis. Upang maiwasan ito lagyan ng sapin na diaryo ang kaniyang likod para masipsip ng mabuti ang kaniyang pawis.
5. Pagsuotin ito ng komportableng damit at maaliwalas na naayon sa panahon.
Ang inyong mga baby na nasa edad pababa ay hindi dapat nilalagyan ng pulbos o baby powder. Ngunit kung hindi maiwasang lagyan ng baby powder ang iyong anak ay tiyaking mabuti na sundin ang mga sumusunod:
-Kung ikaw ay bibili ng baby powder tiyaking mabuti na talc free ang mga ito.
-Maaari rin ang liquid powder ngunit alamin mabuti kung safe ba ito para kay baby.
-Hindi dapat direktang inilalagay sa inyong baby ang pulbos na gagamitin o ginagamit. Ilagay muna ito sa inyong mga kamay bago ito ipahid sa kaniyang bahagi ng katawan.
-Upang hindi malanghap ni baby ang pulbos takpan ng kaunti ang kaniyang ilong.
Comments
Post a Comment