Skip to main content

Pitong Masustansyang Benepisyong Hatid Ng Kalamansi


Maaaring pamilyar na kayo sa pag-inom ng katas ng kalamansi o calamansi juice tuwing may ubo o may sipon dahil ito ang kilalang remedyo noon ng mga matatanda. Dahil sa saganang bitamina C na hatid nito ay napapalakas nito ang iyong resistensya laban sa sak!t. 

Maasim man ang lasa nito ay puno naman ito ng anti-oxidants na may naidudulot na magandang benepisyo sa ating katawan. At kapag kinonsumo ito sa regular basis ay mas lalong makikita ang kahanga-hangang epekto nito. Narito at alamin ang mga masustansyang benepisyong hatid ng kalamansi.

1. Pampalakas ng resistensya o immunity

Dahil nga sagana ito sa bitamina C at iba pang benepisyal na nutrients, ang kalamansi ay ginagamit na pampalakas ng resistensya sa matagal ng panahon. Dahil sa anti-oxidant at anti-bacterial na kakayahan nito, tinatanggal nito ang mga negatibong epekto ng free radicals sa katawan.

2. Pampababa ng acidity

Ayon sa ilang mga pag-aaral, nakakatulong ang kalamansi sa pagpapabawas ng implamasyon sa katawan kapag kinonsumo ng tama. Nakakabawas din sa tiyansang magkaroon ng ulser sa tiyan at acid reflux.

3. Pangdetoxify ng katawan

Ang kalamansi juice ay mabisang detoxifying agent dahil nakakatulong itong ma-flush out ang mga  excess toxins sa iyong atay, kidney at apdo.

4. Nakakatulong sa produksyon ng collagen

Ang bitamina C ay esensyal na elementong kailangan para sa collagen production. Ang collagen ay isang compound na kailangan ng bawat muscle, tissue, at selyula sa ating katawan. At ang katas ng kalamansi ay nakapagbibigay ng maraming amount ng ascorbic acid sa ating katawan upang madali itong maka-recover sa anumang uri ng damage na dulot ng injury o sak!t.

5. Iniimprove ang respiratory health

Ang mataas na citric acid na taglay ng kalamansi ay nakakatulong upang mabawasan ang plema at sipon na maaaring magdulot ng imp*ksyon. Nakakatulong rin itong bawasan ang implamasyon at pangangati ng lalamunan.

6. Maganda sa balat

Ang kalamansi ay ginagamit ring natural na pampaputi. Maganda rin itong gamitin upang maiwasan ang maagang pagtanda at kulubot sa mukha dahil sa taglay nitong antioxidants.

7. Pampapabawas ng timbang

Hindi lamang nakakapagtanggal ng toxins sa katawan ang kalamansi, sa katunayan, mayroon din itong naitutulong sa pagpapabawas ng timbang dahil pinapabilis nito ang ating metabolismo. At kapag bumibilis ang ating metabolismo, mas napapabilis rin ang pagsusunog ng taba na siyang makakatulong upang pumayat.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-