Skip to main content

11 na Bagay na Huwag Gawin Upang Maiwasan ang Mahapding Hyperacidity!




Madalas makaramdam ng mahapdi, nangangasim at umiinit ang sikmura? Hindi mawari ang nararamdaman sa tuwing nararanasan ito kaya naman naghahanap ng gamot para malunasan ito? Ating alamin kung anu-ano ang mga dapat na gawin upang maiwasan at maibsan ang sak!t na nararamdaman na dulot ng hyperacidity. 

Ang hyperacidity o acid reflux na tinatawag ay nararanasan sa tuwing umaakyat ang acid na mula sa tiyan patungong lalamunan. Bukod sa pakiramdam ng nananakit na sikmura minsan kaakibat nito ang pagsikip ng dibdib. Hindi naman ito nakakabahala ngunit kung madalas na mangyari ito ay maaaring masunog ang daluyan ng ating pagkain o ang lalamunan. Kilala ang gamot na omeprazole sa mga pamilihan ng medisina laban sa hyperacidity. Ngunit ang pinaka-magandang pamamaraan upang maiwasan ito ay ang pagbabago sa iyong pamumuhay nang sa gayon bumuti ang kalusugan. 


Mga Lunas upang maiwasan ang hirap na pakiramdam na dulot ng hyperacidity: 

1. Huwag kumain ng sobra 



Ang ating lalamunan ay konektado sa ating tiyan sa pamamagitan ng ring-like muscle o lower esophageal sphincter na kung saan ito ang pumipigil sa mga acidic na nilalaman mula sa ating tiyan na umaakyat patungo sa ating lalamunan. Ito ay bumubukas sa tuwing lumulunok tayo o nagsusuka at kung hindi naman ay nakasara lamang ito. Ang sobrang pagkabusog ay nagkakaroon ng humihigit na pressure sa ating tiyan at kung nangyayari ito ay hindi mapigilan ang acid na umakyat sa ating lalamunan lalo na kung naiipit ang tiyan. Sabi nga nila ang sobra ay nakakasama kaya naman kailangan na iwasan ang sobrang pagkain upang bumuti ang iyong pakiramdam at malayo sa pananakit ng sikmura. 


2. Pagbawas ng Timbang  

Madalas maranasan ng mga obese at buntis ang hyperacidity dahil ito sa pagkakaroon ng pressure sa tiyan na maaaring makapagpaakyat ng acid sa ating lalamunan. Ayon na rin sa mga pag-aaral ang sobrang timbang na nagdudulot ng mga bilbil ay siyang nagpapataas sa tiyansa ng GERD. Gayunman ang pagbaba ng timbang ay makatutulong sa pagbawas ng sintomas ng acid reflux. 

3. Bawasan ang pag-inom ng alcohol 

Kabilang ang inuming alcohol sa nagpapadagdag o mas nagpapalala ng acid reflux at heartburn dahil dinaragdagan nito ang acid sa ating tiyan. Kaya kung gusto mong maiwasan ito ay bawasan ang pag-iinom ng alcohol o mas magandang huwag na lamang uminom para na rin bumuti ang kabuuang kalusugan at malayo sa karamdaman na maiuugnay rito. 

4. Huwag sosobra sa pag-inom ng kape 


Kabilang ka ba sa mga taong madalas magkape? Napapansin mo rin ba na sa tuwing napaparami ang iyong inom ay madalas nakakaramdam ng acid reflux. Kung oo ang iyong sagot ay mainam na bawasan ito o alisin na sa iyong sistema dahil ang sobrang pag-iinom ng kape ay nagdudulot ng paglala ng sintomas sa pananakit ng sikmura. Ayon na rin sa pag-aaral na pinapahina nito ang lower esophageal spincter na siyang nagiging sanhi ng pagatake ng acid. 

5. Pag-nguya ng bubble gum 

Minsan nakakairitang tignan ang mga taong ngumunguya ng gum dahil parang maitutulad ito sa isang kambing. Ngunit alam mo ba na may magandang dulot rin ito sa ating kalusugan. Ayon sa pananaliksik ang pag-nguya ng gum ay nakatutulong na mabawasan ang acidity sa ating lalamunan at ito ay nagtataglay ng bicarbonate. Sa ating pag-ngunguya ng gum ay nakadaragdag sa produkyon ng ating laway na kung saan tumutulong ito sa lalamunan na alisin ang acid na mula sa tiyan. 

6. Umiwas sa pagkain ng hilaw na sibuyas 

Ayon sa isinagawa na pag-aaral sa mga taong nakararanas ng acid reflux napagalaman nila na sa tuwing kumakain ng hilaw na sibuyas ay mas lumalala ang sintomas ng heartburn kumpara sa mga pagkaing walang halong sibuyas. Bukod rito ang pagkain ng hilaw na sibuyas ay maaaring makaapekto o mairita ang daluyan ng ating lalamunan na hindi nalalayong mas ikakalala ng karamdaman. 

7. Limitahan ang unuming carbonated  



Ang mga inuming softdrinks ay nagpapalala ng acid reflux dahil pinapahina nito ang paggana ng lower esophageal sphincter. Kaya naman upang maiwasan ang karamdamang ito ay limitahan lamang ang pag-iinom ng mga carbonated na inumin. Masasabing mas pinakamagandang gawin ay huwag na lamang iinom nito maiiwasan pa ang hyperacidity at pagkakaroon ng mataas na asukal sa dugo. 


8. Bawasan ang pagkain ng chocolate 


Sa isang pag-aaral sinasabing ang pagkonsumo ng apat na ounce o isang daang ml ng chocolate syrup ay nakapagpapahina sa lower esophageal sphincter. Idagdag pa na nakakapagpataas rin ito ng acid sa ating lalamunan. Kaya naman kabilang ito sa mga kailangan mong iwasan nang sa gayon hindi lumala ang acid reflux na nararanasan. 


9. Itaas ang ulo sa inyong pagtulog 

Sa tuwing nakakaranas ng acid reflux makatutulong ang pageelevate ng iyong paghiga sa iyong pagtulog dahil ang gawaing ito ay nakakabawas sa mga karamdaman ng sintomas kumpara sa pagtulog ng pantay. 

10. Magpalipas ng tatlong oras bago matulog 

Upang maiwasan ang pag-atake ng acid reflux ay kinakailangan na may sapat na tatlong oras na pahinga bago matulog. Dahil kung agarang matutulog ay hindi matutunaw ang pagkaing kinain. Kaya naman magdudulot ito ng hindi pagkatunaw o makakaranas ng kabag. Gayunpaman ito rin ay nakapagpapalala sa sintomas ng acid reflux. 

11. Matulog sa iyong kaliwang bahagi 


Ayon sa mga pag-aaral ang pagtulog sa kanang bahagi ay nakapagpapalala sa sintomas ng acid reflux lalo na sa gabi dahil ang ating lalamunan ay konektado sa kanang bahagi ng ating tiyan. Kaya naman mainam na palitan ang nakasanayang pwesto ng pagtulog upang maiwasan ang sintomas ng hyperacidity.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-