May mga taong mayroong maiitim na leeg at batok. At ang karaniwang dahilan nito ay dahil sa skin pigmentation dis0rder na tinatawag na acanthosis nigricans. Marahil ito ay nakakabawas sa kanilang self confidence dahil nga para sa iba, ito ay mukhang madumi at mabaho. Kadalasan sa mga taong mayroong ganitong sitwasyon ay nahihiya sila na ipakita ito kaya nila ito tinatago.
Sa panahon ngayon ay marami ng mga produkto at mga procedures na maaaring gawin upang masolusyonan ang pagkakaroon ng maitim na leeg at batok. Ngunit kung wala ka namang budget, ay sa natural na proseso ka na lang muna. Narito at alamin.
1. Baking soda
Ang baking soda ay isang natural exfoliator at cleanser. Ang texture nito ay parang magaspang na pulbo na nakakatulong maiscrub ang mga d**d skin cells sa iyong leeg at batok. Maganda itong gamitin upang mapaputi ang mga maiitim na patse patseng balat sa mga parteng nais paputiin tulad ng leeg at batok.
Direksyon ng paggamit:
1. Maghalo ng 3 kutsarang baking soda sa kakaunting tubig upang maging paste
2. Iapply ito sa iyong leeg o batok at iwanan ng 20 minuto
3. Kapag natuyo na ito ay hugasan ng malinis na tubig.
4. Ulitin ang prosesong ito every other day
2. Pipino
Ang pipino ay nakakatulong upang maimprove ang balat sa may leeg at batok. Ito ay mayroong soothing properties na nakakatulong upang marepair ang mga nasirang skin cells at nakakapagpadagdag ng glow sa balat.
Direksyon ng paggamit:
1. Mag-apply ng katas ng pipino o pwede ring gayatin ito at ipantapal sa batok o leeg
2. Unti unti itong iscrub sa loob ng 10 minuto
3. Maaari ring lagyan ng kaunting lemon juice kung nais
4. Hayaan ito hanggang matuyo bago banlawan
3. Apple Cider Vinegar
Ang apple cider ay nakakatulong mabalanse ang pH ng balat. Ang malic acid na taglay nito ay nakakatulong upang maexfoliate ang mga d**d skin cells na namuo at matanggal ito. Iyon nga lang, ay maaaring madehydrate ng kaunti ang balat pagkatapos itong gamitin.
Direksyon ng paggamit:
1. I-dilute ang apple cider vinegar sa tubig.
2. Iapply ang solution sa iyong leeg at batok gamit ang cotton ball
3. Iwanan sa loob ng 10 minuto bago banlawan ng tubig.
4. Gawin ito every other day
Comments
Post a Comment