Ayon nga sa kasabihan ng mga babae, "Kilay is life." Ang pagkakaroon kasi ng maganda at perfect shape na kilay ay nakakapagpadagdag sa kagandahan ng mukha. Kaya naman karamihan sa mga babae ngayon ay alagang-alaga sa kanilang mga kilay.
Napakaraming make-up at cosmetic procedures ang isinasagawa upang magkaroon ng kilay. Ngunit ito nga lang ay mayroong kamahalan. Pero kung naghahanap ka ng mga natural na paraan upang mapatubo ang iyong kilay ay narito at alamin ang mga ito.
1. Castor oil
Ang paraang ito ay isa sa mga epektibong paraan sa pagpapakapal ng kilay. Sa katunayan, ginagamit rin itong oil na ito para pahabain ang mga pilik mata. Ito kasi ay nagtataglay ng mga protina, fatty acids, antioxidants at bitamina na nakakatulong upang ma-nourish ang mga hair follicles. '
Siguraduhing iapply ito araw-araw sa gabi bago matulog upang mas lalong maabsorb ng iyong mga eyebrow roots. Imasage ito sa iyong mga kilay gamit ang iyong daliri.
2. Coconut oil
Ang coconut oil ay mabisang conditioner at moisturizer. Nakakatulong rin itong maimprove ang sirkulasyon ng dugo. Ang fatty acids at natural na protina na matatagpuan sa coconut oil ay nakakatulong upang protektahan ang hibla ng buhok sa pagpuputol. Ang vitamin E rin nito ay nakakatulong sa pag-promote ng healthy at makapal na kilay.
I-dip ang cotton swab sa coconut oil at ipahid ito sa gabi. Gawin ito araw-araw upang mas mabilis ang epekto.
3. Eggyolk o pula ng itlog
Ang buhok sa ating kilay ay gawa sa keratin protein, at ang itlog ay isang magandang source ng protein. Ang keratin ay isang mahalagang ingredient para sa pagtubo ng buhok. Kaya naman magandang paraan ang paglalagay nito kung nais mong patubuin ang iyong kilay.
Ihiwalay lamang ang puti sa pula ng itlog. Batihin ang pula hanggang maging smooth ang consistency. Gamit ang cotton swab ay i-dip ito sa binating pula ng itlog at ipahid sa iyong kilay. Hayaan sa loob ng 20 minuto bago banlawan.
4. Petroleum Jelly
Ang petroleum jelly ay mayroong compound na petrolatum na nakakatulong sa pag-retain ng moisture sa iyong mga kilay. At sa paraang ito, mabisa ito sa pagtubo ng kilay upang mas kumapal. Gawin ito gabi-gabi hanggang ma-achieve ang ninanais na resulta.
Iapply ang petroleum jelly sa kilay. Maglagay lamang ng saktong amount at huwag dadamihan dahil maaari itong mag-mantsa sa iyong unan. Sa umaga ay maaari na itong tanggalin at banlawan.
5. Aloe Vera
Ang aloe vera ay nagtataglay ng compound na aloenin na nakakatulong sa pagpapatubo ng buhok. Mayroon rin itong kemikal na tulad ng keratin. Ito ay mas magandang gamitin sa mga taong mayroong oily skin. Dahil iniiwasan nito ang paglalangis ng mukha at inoopen ang mga follicular pores sa iyong kilay upang tumubo ito.
Kunin ang gel sa isang dahon ng aloe vera. Ipang-masahe ito sa iyong mga kilay upang maabsorb. Maaaring ilagay sa ref ang natirang gel upang magamit ito muli.
Comments
Post a Comment