Sino nga naman ang hindi makakatanggi sa mga pagkain sa mga fastfoods? Nariyan na ang burger, fries, pizza, softdrinks at kung ano-ano pa. Unang langhap pa lang ay talagang katakam-takam na ang mga pagkain dito.
Ngunit kahit na pa dumarami ng dumarami ang mga fastfoods ngayon, hindi rin maganda ang labis na pagkain sa mga ito dahil ang mga pagkain dito ay hindi naman healthy at nagdudulot ng masamang epekto sa ating katawan. Narito at alamin kung ano-ano ang mga masasamang epekto nito.
1. Nakakataas ng blood sugar
Karamihan sa mga fastfoods ay nag-offer ng softdrinks o di kaya ay mga juice sa kanilang mga meals. At nakaka-satisfy nga naman uminom ng malamig na inumin matapos kumain ng napakarasap na pagkain.
Ngunit tandaan na ang mga pagkain at inumin sa fastfood ay mataas sa carbohydrates at mababa sa fiber. Kaya kapag natunaw ang mga ganitong pagkain, ang mga carbohydrates ay nare-release bilang glucose o sugar sa ating dugo an siyang nakakapagpataas ng blo0d sugar. Na kung madalas nangyayari sa ating katawan ay maaaring mauwi sa pagkakaroon ng diabetes.
2. Epekto sa balat tulad ng acne
Ang mga pagkain sa fastfoods ay mayroong impact sa ating balat. Ang mga pagkaing mamantika tulad ng pizza, burger at fries ay maaaring magdulot ng acne breakout sa balat. Ang mga carbohydrate-rich foods na siyang nakakapagpataas ng blood sugar ay siya ring posibleng nakakapag-trigger ng pagkakaroon ng tigyawat.
3. Epekto sa utak
Ang mga fastfood ay maaaring ma-satisfy ang iyong pagkagutom ngunit panandalian lamang. Batay sa isang pag-aaral, 51% sa mga taong laging kumakain sa fastfood ay mataas ang tiyansang magkaroon ng depresy0n.
4. Nakakataba
Dahil nga ang mga pagkain sa mga fastfood ay hindi naman healthy (dahil mamantika, maalat, at matamis) maaari itong mauwi sa obesity o pagkakaroon ng karagdagang timbang lalo na pa't kung labis-labis ang pagkain mo ng mga ito.
5. Pressure sa puso at baga
Kaugnay ito ng number 4, dahil sa pagdagdag ng timbang o obesity, maaaring magkaroon ng pressure sa iyong puso at baga. Ang extra pounds sa iyong katawan ay maaaring magdulot ng kahirapan sa paghinga o di kaya ay paninikip ng dibdib.
6. Nakakapagdulot ng cavities
Ang mga carbohydrates at matatamis na pagkain na hinahain ng mga fastfoods ay nakakapagpataas ng acids sa iyong bibig. At ang mga acids na ito ay maaaring makapagparupok ng iyong tooth enamel, ang pinakalabas na parte na nagpoprotekta sa ngipin. Kaya kung nawala ang tooth enamel, maaaring masira ng mga bakterya ang iyong ngipin na siyang dahilan ng pagkakaroon ng cavities.
Comments
Post a Comment