Ayon nga sa kasabihan, "An apple a day keeps the doctor away." Ito ay dahil ang mansanas ay napakasustansya sa ating katawan.
'
Ang mga apples o mansanas ay napakayaman sa antioxidants, flavanoids at dietary fiber. Narito at alamin ang mga naidudulot nitong kagandahan sa katawan lalo na't kapag kinain ito kasabay ng iyong breakfast o agahan.
1. Nagpapatibay sa mga buto
Hindi ito karaniwang alam ng karamihan, ngunit ang mga apples o mansanas ay nagtataglay ng calcium at boron, ito ay mga mineral na may mahalagang tungkulin sa pagprotekta ng iyong mga buto.
2. Pampababa ng kolesterol
Ang dietary fiber na taglay ng mansanas ay soluble, na ang ibig sabihin ay may kakayahan itong iabsorb ang ilang bad cholesterol sa iyong katawan. Kaya naman mas mainam kainin ito tuwing breakfast.
3. Pinapabuti ang kalusugan ng puso
Nakakatulong ang mansanas na maiwasan ang plaque build up sa iyong mga arteries na siyang pinagmumulan ng mga sak!t sa puso tulad ng coronary artery d!sease. Ito ay dahil sa phenolic compound na matatagpuan sa mga balat ng mansanas. Nakakatulong ito upang maiwasan ang kolesterol na magbara sa iyong mga ugat na malapit sa puso.
4. Pinapababa ang tiyansa sa dyabetis
Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng mansanas tuwing umaga ay nakakapagpabawas ng tiyansa ng pakakaroon ng diabetes-related health conditions kumpara sa mga hindi kumakain nito.
5. Pampapayat
Para sa mga nais magbawas ng timbang at magpapayat, simulan na ang pagkain ng mansanas tuwing umaga. Mainam itong isama sa iyong breakfast dahil sa dietary fibers na taglay nito na siyang nakakapagpaliit ng tiyan at ginagawa ka agad busog upang hindi ka na mapakain ng maraming unhealthy foods sa buong araw.
6. Pinapatatag ang iyong immune system
Ang mga pulang mansanas ay nagtataglay ng antioxidant na quercetin na napatunayan sa mga pag-aaral na nakakapagpatatag ng immune system lalo na't kapag ang iyong katawan ay nakakaranas ng stress.
Comments
Post a Comment