Ayon sa isang pag-aaral, 25% ng mga tao ay hindi nila alam na mayroon silang diabetes. Ang kondisyon na diabetes ay maaaring namamana o di kaya ay nakukuha dahil sa uri ng lifestyle. Hindi biro ang magkaroon ng sak!t na ito lalo na pa't magastos ang magmaintain ng gamot.
Kaya naman bago pa huli ang lahat ay dapat mong malaman ang mga nararamdaman sa iyong katawan dahil possibleng mga senyales na ito ng diabetes. Narito at alamin ninyo.
1. Pakiramdam na laging pagod
Natural lang na mapagod pagkatapos ng isang activity o trabaho. Ngunit kung madalas kang napapagod ng walang dahilan ay dapat mo itong pagtuonan ito ng pansin. Maaaring ang dahilan rin nito ay dahil ang pagkain na iyong kinakain na imbes na dapat ay makapagbigay sa iyo ng enerhiya ay hindi nabe-breakdown ng mabuti kaya pakiramdam mo ay wala kang energy at pagod.
2. Matagal maghilom ang sugat
Kapag ang iyong sugar level sa katawan ay mataas, ang iyong immune system at ang prosesong tumutulong upang maghilom ang iyong katawan ay hindi gumagana ng mabuti.
3. Palagi kang naiihi
Isang sintomas ng diabetes ang palaging naiihi kahit na kakaihi mo pa lang. Dahil kapag mayroong excess sugar, ang iyong katawan ay gumagawa ng paraan upang mailabas ito sa paraan ng pagihi.
4. Madalas kang nauuhaw
Dahil na rin sa madalas na pagihi kaya madali ka ring mauhaw. Ngunit kung napapansin na ang sintomas na ito ay iwasan na rin ang paginom ng mga matatamis na inumin tulad ng softdrinks at juice.
5. Nagiging malabo ang paningin
Ang paglabo ng paningin ay maraming posibleng dahilan. Ngunit isa na nga rin itong sintomas ng diabetes na dapat mong pagtuonan ng pansin. Sa early stage ng diabetes, ang iyong eye lens ay maaaring hindi makapagpokus ng mabuti dahil sa glucose build-up sa iyong mata.
6. Nagkakaroon ng di maipaliwanag na dark spots o pangingitim sa balat
Kung napapansin na basta na lang nangingitim ang iyong kili-kili, batok, leeg at mga singit ng wala namang dahilan, posible itong maagang sintomas ng insulin resistance na maaaring mauwi sa diabetes. Kaya kung nagtataka ka, maaari namang ikunsulta ito sa doktor.
Comments
Post a Comment