Dahil sa makabagong teknolohiya at ibang klase ng pamumuhay ngayon ay maraming mga nagsisilabasang iba't ibang uri ng sak!t. Mas dumarami ang mga taong nagdurusa sa mga karamdaman na maaaring humantong sa kabilang buhay.
Ngunit paano nga ba natin maiiwasan ang mga ito kung hindi natin sisimulan ang malusog na kabuhayan. Madalas sa tuwing may nararamdaman sa ating pangangatawan ay binabalewala lamang natin. Ang akala natin ay isa lamang itong panandalian na karamdaman at hindi malaki ang epekto sa kalusugan. Ngunit ang mga ganitong bagay ay hindi dapat ipagsawalang bahala dahil maaaring maagang senyales at sintomas na ito ng isang sak!t tulad na lamang ng Appendicitis.
Ano nga ba ang appendicitis?
Ang karamdamang appendicitis ay malaki ang potensyal na maging isang banta sa buhay. Karaniwang problema ito sa bituka na kung saan isang seryoso at malaking babala na makakaapekto sa ating kalusugan. Ito ay isang impeksyon ng apendix sa isang bahagi ng ating bituka na namamaga at nagkakaroon ng nana.
Sa mga taong nagkakaroon ng ganitong kondisyon ay kadalasan nauuwi sa operasyon. Ngunit hindi dapat matakot na ito ay matanggal at maoperahan dahil ang trabaho ng appendix ay kaya din gawin ng ibang bahagi ng ating immune system.
Ano nga ba ang sanhi ng appendicitis?
Nakamulatan na natin ang pagbabawal ng mga nakakatanda na sa tuwing matapos kumain ay huwag dapat kaagad magkikilos dahil maaaring magkaroon ng appendicitis. Ngunit ang mga kasabihang ito ay walang sapat na basehan ukol sa pag-aaral. Gayunman hindi malaman ng mga dalubhasa kung saan ito nagmumula. Kaya naman ang nararapat na gawin ay maging disimplinado sa inyong kalusugan.
Narito ang ilang mga senyales ng appendicitis na maaaring nararanasan na hindi dapat ipagsawalang bahala
1. Pananakit ng kanang tiyan
Bigla na lamang bang sumasakit ang iyong tiyan at hindi malaman kung bakit? Pakiramdaman itong mabuti dahil maaaring senyales ito ng appendicitis. Subukang diinan ang kanang bahagi ng inyong tiyan at kung sasakit ito ay maaaring pangunahing senyales na ito kaya dapat bigyan ng kauukulang pansin.
2. Pagbahing at Pagubo
Sa inyong pananakit ng tiyan ay susundan pa ng madalas na pagbahing at paguubo. Kung nakakaranas na ng ganitong sitwasyon ay huwag ng magdalawang isip na kumonsulta sa doktor upang mabigyan ng kaukulang gamutan.
3. Madalas makaramdam ng panghihina
Kasunod ng pananakit ng tiyan ay ang madalasna panghihina at panlalambot ng katawan. Madalas na ang akala mo ay mayroon kang sakit ngunit hindi maipinta kung ano ito.
4. Kawalan ng gana sa pagkain o loss of appetite
Ang mga taong nakakaranas ng appendicitis ay kabilang ang pagkawalan ng gana sa pagkain. Maaaring dahil ito sa nararamdamang sakit o kaakibat ito ng karamdaman.
5. Irregular na pagdumi o constipation
Obserbahan ng mabuti ang iyong pagdumi lalo na kung may madalas na maramdaman na kirot sa tiyan. Kung may masakit sa inyong tiyan at hirap kayo sa pagdumi, maaaring senyales ito ng appendicitis.
7. Pagkalagnat at pagsusuka
Bukod sa pananakit malapit sa pusod sa kanang bahagi ng tiyan, kung kayo ay nilagnat at patuloy ang pagsusuka maaaring isang senyales na pumutok na ang inyong appendix.
Kung nagpatuloy ang pananakit ng inyong tiyan sa loob ng 1-2 na araw, agad ng magpakonsulta sa doktor dahil kapag pumutok ang inyong appendix at hindi ito naagapan agad, maaaring malason ang inyong katawan sa loob dahil sa toxic nitong nilalaman.
Comments
Post a Comment