Skip to main content

Anim na Benepisyo Kung Bakit Kinakailangan Natin Kumain ng Itlog ng Pugo




Ang mga pinaka-importanteng benepisyong hatid ng itlog pugo sa atin ay ang kakayahang mapabuti ang paningin, mapalakas at mapasigla ang enerhiya sa katawan. Gayunman, kabilang rin ang matulungang mapalakas ang metabolismo, mapababa ang presyon ng dugo, maiwasan ang sintomas ng allergy at mapigilan ang mga talamak na karamdaman. 

Ano nga ba ang itlog ng pugo?



Ito ay nagmula sa isang hindi kalakihang ibon na makikita mula sa mga bansang Europa, North Africa, Southern United States at ilang mga bansa sa Asia tulad ng Pilipinas. Hindi kasing laki, puti o kulay ng mga itlog ng manok na madalas nating makita o bilhin sa mga pamilihan. Kasing laki lamang ng barya ang itlog ng pugo na may kayumangging balat at mga batik na kulay dark brown. Isa rin itong pangunahing pagkain sa mga street food.

Narito ang Siyam na benepisyo ng itlog ng pugo:

1. Para sa maayos na paningin

Makikitaan ng mataas na nilalamang vitamine A ang itlog ng pugo na kung saan nakatutulong sa pagprotekta at pagpapabuti ng paningin. Gayunman may kakayahan itong mapababa ang tiyansa ng panlalabo ng mga mata at maiwasan ang panganib mula sa pagbuo ng katarata sa ating mga mata upang makakita ng mabuti.


2. Nagbabalanse ng Kolesterol

Mayroong sapat na HDL o High density lipoprotein ang makukuha sa itlog ng pugo na nakakatulong para pababain ang negatibong epekto ng Low density lipoprotein sa katawan. Nagtataglay ang itlog ng pugo ng sapat na lebel ng fatty acids na maganda para sa ating kalusugan.

3. Punong-puno ng protein

Katulad ng itlog ng manok, makukuhanan rin ng protina sa itlog ng pugo na makakatulong sa ating growth development at pampalakas ng immune system. Kaya naman sa tulong ng nilalaman nito ay masasaayos ang bagong cells, tissues at bones ng isang tao.


4. Pababain ang mataas na presyon

Ang potassium na makikita mula sa itlog ng pugo ay nagpapakita ng kakayahang mapababa ang presyon sa dugo. Sa uri ng mineral na ito ay umaakto bilang isang vasodilator na kung saan tumutulong sa pagtanggal ng bara sa ating puso, problema sa aterya at mga daluyan ng dugo o blood vessels.


5.Pampalakas ng metabolismo

Kung hirap sa pagtunaw ng mga pagkain ang ating katawan ay maaaring gamiting sangkap ang itlog ng pugo. Bakit? Dahil ang itlog na ito ay makikitaan ng vitamin B na nagreesulta sa paglakas ng metabolismo sa ating katawan na kung saan matutulungan nitong maging maaayos ang function ng ating organ at maiiwasan ang mga komplikasyon sa mga karamdaman.

6. Nagbibigay sa atin ng sapat na enerhiya

Isa ang itlog na pugo sa mga pagkain na nakakapagbigay ng sapat na energy at lakas sa sa ating immunity dahil sa protina at bitamina ng itlog ng pugo.

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl