Bago pa man kayo magpakasal o mag-settle down sa inyong partner, dapat muna ninyong sukatin at timbangin ang ilang mga respeto at pag uugali niya kapag kayo ay magkahiwalay at kapag kayo ay magkasama. Nang sa gayon ay malaman ninyo kung tunay nga bang nagpapakita siya ng totoong pagkatao niya sainyo.
Dahil karamihan ngayon ay hindi nauuwi lamang sa hiwalayan lalo na kung huli na bago mo malaman na hindi pala siya karapat dapat saiyo.
Ang pitong senyales sa ibaba ay nangangahulugan na hindi magtatagal ang iyong relasyon sa iyong kasintahan kaya alamin niyo kung ano ang mga warning signs na ito:
1. Distance
Walang masama sa long distance relationship dahil marami ang nagkaroon ng successful na relasyon sa kanilang ka-long distance partner. Subalit, ang distance ay isa sa problema sa isang relasyon lalo na kung ang isa sainyo ay hindi naghahanap ng oras para sa inyong relaayon.
Kung madalas ka niyang pinapaasa na magkikita kayo subalit hindi naman ito natutupad, ito ay isang senyales na hindi magwowork out ang inyong relasyon.
2. You don’t like their friends
Isa rin senyales na hindi magtatagal ang inyong relasyon kung ayaw mo sa kanyang mga kaibigan at ganun din siya sayo. Hindi magtatagal ang isang relasyon kung may laging mamumuong selos, galit, o inis sa tuwing may makakasama ang iyong partner na hindi mo gugustuhin na makasama niya.
3. They’re still stuck on an ex
Kung ang iyong partner ay mayroon pang feelings sa kanyang ex at madalas pa rin silang nag uusap, ito isang indicator na ito na hindi magtatagal ang inyong relasyon.
Subalit mayroong mga mag-ex na magkaibigan lamang mayroon din namang hindi padin makawala sa kanilang past. Kaya alamin mong mabuti kung buo ba ang pagmamahal niya sayo o mayroon pa rin siyang nararamdaman sa kanyang ex.
4. You don’t talk about the future together
Kung kayo ay nasa isang relasyon, napaka importante na klaro sainyong dalawa pinapangrap niyo at gugustuhin na magkaroon kayo ng future together. Subalit kung ang usapan na ito ay hindi klaro sa dalawang magkasintahan at kung hindi niyo alam kung ano ang inyong gustong patunguhan sa huli, ibig sabihin nito ay hindi pa kayo kuntento sa partner ninyo.
5. There’s no honesty and trust
Ang pagtitiwala at pagiging honest ay isang malaking bagay sa isang relasyon. Kung wala kayong tiwala sa inyong partner at kung ganun din siya, hindi magtatagal ang inyong relasyon. Importante ang honesty at trust dahil kung wala nito ang isang relasyon, madaling matibag ang pinagsamahan.
6. You always fight and you stop communicating
Ang pagkakaroon ng maliit na tampuhan sa isang relasyon ay normal lang sa dalawang magpartner. Subalit kung kayo ay madalas na mag away at hindi niyo pinag uusapan ang mga bagay at ang mga magkakamali, madali lamang matibag ang inyong relasyon.
Ang pakikipagcommunicate ng ating nararamdaman ay napaka importante rin sa isang relasyon dahil dito mo maiintindihan ang hinaing ng iyong partner at kung ano ba dapat ang inyong gawin para maresolba ang problema.
Comments
Post a Comment