Skip to main content

Ano ang mga Stages ng Menopause at Ano ang mga Sintomas na Dapat Malaman ng Babae?




Ang menopausal stage ay isang natural na changes na nagaganap sa isang babae kung ito ay nasa edad 35-55 na. Sa panahong ito, dumaranas ang isang babae sa tinatawag na menopausal stage kung saan ang kanilang ovaries ay mas lumiliit at ang kanilang mga egg cells ay bumababa ang bilang. Sa ganitong stage din nahihirapan magbuntis ang isang babae.

Subalit mayroong stages ang menopause na dapat malaman ng lahat ng kakabaihan upang maging aware sila sa nangyayari sa kanilang katawan.

Ano nga ba ang mga stages of menopause?

1. Perimenopause/BEFORE



Ang pinaka unang stage ng menopause ay ang tinatawag na perimenopause. Ito ay ang 3-5 year period kung saan bago makaranas ng menopausal ang babae. Sa stage na ito, ang estrogen at hormone levels ng babae ay bumababa at madalas maranasan ang perimenopause sa edad na 40 kung saan makakaranas na ng irregular menstrual period ang isang babae. 

Sintomas:


-hot flashes

-night sweats

-mood changes (madaling mairita, depression at pagkakaroon ng anxiety)

-dryness ng ari ng babae

-discomfort tuwing makikipagtalik

-sleep disturbances o insomnia

Mayroon parin tyansang mabuntis ang babae sa ganitong stage kaya mabuti pa rin ang pag gagmit ng birth control upang makaiwas sa unexpected pregnancy. Ang pagkakaroon ng mga maaayos na lifestyle ay importante upang maibsan ang mga sintomas.



2. Early Menopause

Mayroon din na ibang babae ang makakaranas ng early menopausal stage lalo na kung agad natanggal ang uterus at ovaries ng isang babae. Isang factor din ang premature ovarian failure kung saan mayroong underactive o inactive ovaries ang babae dahil sa madalas na pagkaexpose sa radiation therapy o chem0therapy.


3. Menopause/DURING

Sa average na bilang, halos ng may edad na 51 at 52 ay mayroon nang menopausal na sintomas. Kung ikaw ay hindi na dinatnan ng menstrual period sa loob ng 6-12 months, ibig sabihin nito ay nasa menopausal stage ka na. Ito ang sintomas na ikaw ay nakakaranas na ng menopause. 


4. Postmenopause/AFTER

Nagsisimula ang postmenopause pagkatapos ng isang taon na hindi ka dinatnan ng iyong period. Ang ilang mga sintomas na nagsimula noong nakaranas ka ng perimenopause ay kadalasan mararamdaman sa postmenopause stage ng babae. Ang mga sintomas ay ang mga sumusunod:

-no menstrual period

-hot flashes

-elevated heart rate

-insomnia

-urinary issues

-dryness ng iyong ari

-discomfort sa pakikipagtalik



Dahil na rin sa pagbaba ng estrogen, mataas na ang risk ng babae sa pagkakaroon ng heart disease, ostopenia at osteoporosis sa ganitong stage.

Ang transition mula sa perimenopause to menopause to postmenopause ay umaabot ng 1-3 taon. Mayroong iba ang makakaranas ng mga sintomas at mayroon namang hindi. Malalaman mo lamang ito kung hindi ka na dinadatnan ng iyong monthly period sa loob ng isang taon.

Comments

Popular posts from this blog

Huwag Mag-iiwan ng Water Bottle sa Loob ng Sasakyan Dahil Ito ang Delikadong Maaaring Mangyari

Ang sarap nga naman bumili ng bottled water lalo na kung ito ay malamig at kung tayo ay uhaw na uhaw na. Karamihan sa atin tuwing bumabyahe ay kadalasang may dala-dala tayong mga water bottle. At karaniwan din nating nakakalimutan o iniiwan ang mga ito sa loob ng ating sasakyan kung saan ito ay umiinit kapag nakatutok ang araw sa sasakyan. Hindi lang masama sa ating kalusugan ang pag-inom nito kapag naiwan ito sa loob ng sasakyan kundi ito rin pala ay delikado para sa ating mga kotse.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-iwan ng water bottle sa loob ng sasakyan habang tirik na tirik ang araw ay maaaring magsanhi ng sunog dahil sa kemikal ng plastic bottle. Tulad nalang sa nangyaring insidente sa isang lalaki na ito.



Ayon sa lalaki habang nakaupo siya sa kaniyang sasakyan ay bigla na lamang niyang napansin na may umuusok mula sa harapang upuan. Sa paghahanap ng higit pang imbestigasyon ay napag-alaman na nanggagaling ito sa water bottle na nasisinagan ng araw at nagtamo ng dalawang butas sa kan…

Huwag Ninyong Ipagsabay ang Pagkain ng Instant Noodles at Softdrinks Dahil Ito ang Posibleng Mangyari sa Inyo!

Pamilyar ba kayo na kapag inilagay ninyo ang mentos candy sa isang bote ng coke ay nagkakaroon ng ito physical reaction kung saan ito ay maaaring magdulot ng eruption o ang pagsabog ng softdrinks sa loob ng bote nito?
Subalit alam niyo ba kung ano ang mangyayari kung kumain kayo ng instant noodles at uminom kayo ng softdrinks? 


Sa isang viral na kwento ng isang netizen na si Xiao Chao sa Hangzhou China, idinala ito sa emergency room matapos siyang kumain ng instant noodles at uminom ng softdrinks.
Ito ay nakaramdam ng pananakit ng kanyang tyan at pananakit ng kanyang balikat, bewang at likod. Sinubukan i-diagnose ng mga doktor ang kanyang kalagayan subalit hindi nila matukoy kung ano ang nagdulot nito. Binigyan ito ng mga gamot na pantanggal ng pananakit ng tyan subalit matapos ang ilang oras ay patuloy parin ang kanyang nararamdaman.


Sumailalim ito sa Abdominal xray upang malaman ng mga doktor ang sanhi ng kanyang abdominal pain. At ang kanilang nakita ay punong-puno ng gas ang loob ng k…

8 Na Paraan Kung Paano Mo Mapapasaya Ang Iyong Asawa (Misis)!

Ayon nga sa isang kasabihan, "A happy wife means a happy life." Maraming paraan kung paano mo mapapanatiling masaya ang iyong asawa. Ang pagiging isang mabuting asawa ay isa mga bagay na magpapatatag sa inyong relasyon.
Mayroong mga simple at maliliit na bagay na pwede mong gawin upang mapanatili mong masaya si misis! Narito at alamin ninyo!
1. Pagsabi ng "i love you" o "mahal kita" ng madalas
Ang simpleng pagsabi ng 'i love you' ay isa ng malaking bagay ng pagpapakita kung gaano mo siya kamahal. Kaya sabihin ito ng madalas at buong puso.

2. Respetuhin ang kanyang privacy at personal space
May mga oras na kinakailangan ng mga babae na magkaroon ng "me time" o ang pagkakaroon ng oras para lang sa kanyang sarili. Bigyan siyang oras na makapunta sa salon, magpa-manicure, magpa-spa o magkaroon ng oras para sa ibang bagay para siya ay makapag-relax. 
3. Tumulong sa mga gawaing bahay
Matagal ng nakasanayan na ang mga babae ang siyang gumagawa ng…