Ang Mais ang isa sa pangunahing bungang gulay sa Pilipinas na itinatanim ng mga farmers at ibinebenta sa palengke sa murang halaga. Madalas sa ating pagbalat at pagkain ng mais ay itinatapon lang ang buhok na nakapalibot rito na animo'y wala naman itong mahalagang maidudulot sa ating kalusugan. Ngunit ang corn silk na ito o ang buhok ng mais ay mayroon palang napakagandang benepisyo na maibibigay sa atin.
Kaya naman ating alamin kung ano nga ba ang maidudulot nito sa atin at kung paano makukuha ang benepisyo na dulot nito.
Apat na benepisyo ng corn silk:
1. Kakayahang makontrol ang asukal sa dugo
Karaniwan sa mga Pinoy ang nagkakaroon ng dyabetis dahil sa pagtaas ng asukal sa dugo sa pagkain ng mga matatamis. Subalit alam niyo ba na ang buhok ng mais ay maaaring gamiting pamamaraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng mataas na asukal sa ating dugo? Ayon sa pag-aaral, napatunayan na ang buhok ng mais ay may kakayahang makontrol ang asukal sa ating dugo. Nakapagpapataas din ito sa lebel ng insulin at magamot ang mga sirang cells sa liver na kung saan ginagawa ang insulin.
2. Para sa pagbabara ng dugo
Alam mo ba na ang buhok ng mais ay mabisang mapagkukunan ng bitamina K? Kaya naman may kakayahan itong matulungang magamot ang mga pagbabara ng dugo. Kung isa ka sa mahilig kumain ng mais, huwag mo muna itong itapon at subukan na lamang malasap ang benepisyong hatid nito.
3. Pigilan ang Bato sa Kidney
Matagal ng panahon na ginagamit ang buhok ng mais sa paggamot o pagprotekta laban sa bato sa kidney dahil sa kakayahan nitong mapigilan ang pagipon ng mga asin sa ating kidney.
4. Nagkokontrol ng Kolesterol
Ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol at asukal sa dugo ay maaaring mapagmulan ng pagkaatake sa puso at stroke. Ngunit ang madalas na pagkonsumo ng buhok ng mais ay maaaring maging solusyon upang maiwasan ito. Makokontrol ang tamang taas ng lebel sa kolesterol at mapigilan ang pagipon ng pagbabara sa ating artery. Napakagandang resulta nito para makaiwas ang ating katawan sa panganib.
Paano makukuha ang benepisyong taglay ng buhok ng mais?
Kailangan lamang ay ilaga ito. Lagyan ng isa o dalawang basong tubig ang lutuan at ilagay ang isang bugkol ng buhok ng mais. Pakuluan ito ng limang minuto. Inumin ito ng isang beses o dalawang beses sa isang araw mainit man o malamig. Maaaring rin lagyan ng karagdagang lemon o honey.
Comments
Post a Comment