Ang pagkakaroon ng sakit sa puso ay maaring mangyari sa kahit na sinumang tao at kahit na anu pa ang edad nito. Madalas itong maging dahilan ng pagkamatay ng karamihan sa ating mga kababayan at ayon sa mga eksperto ito ay dulot na rin ng hindi pagkain ng masustansiyang pagkain at kakulangan sa wastong ehersisyo.
Upang maiwasan ang ganitong uri ng karamdaman, mainam na bantayan natin ang ating mga kinakain at ugaliing magkaroon ng tamang ehersisyo upang matulungang maging malakas ang ating puso.
Samantala, narito ang ilan sa mga sintomas ng sakit sa puso na dapat mong alamin ng sa ganoon ay malusan kaagad ito at hindi na lumalala pa:
1. Pagkahilo
Ang madalas at biglaang pagkahilo ay nangangahulugan na mayroong hindi tama sa iyong katawan. Maaring ito ay dahil sa gutom at kakulangan ng wastong hangin papunta sa ating utak o di kaya naman ay sintomas na ng isang malalang problema kagaya ng kondisyon sa puso. Maari ka ring makaramdam ng pagkawala ng balanse sa iyong katawan na sinasabayan pa ng pananakit ng dibdib lalo na kapag biglang bumaba ang presyon ng iyong dugo. Ito ay hindi normal na pangyayari sa iyong katawan kaya mas maiging bumisita agad sa doktor upang masuri ang iyong kalagayan.
2. Madalas na paninikip ng dibdib
Ito ang isa sa mga kilalang sintomas ng pagkakaroon ng sak!t sa puso na dulot na rin ng mga baradong ugat. Kung ang paninikip ng iyong dibdib ay kakaiba kagaya nga ng sabi ng ilan na parang may kumukurot sa kanilang puso o di kaya naman ay parang may mabigat na nakapatong dito, mas mainam ng kumonsulta agad sa doktor para malaman ang estado ng iyong kalusugan.
3. Panghihina ng katawan
Ang biglaang paghina ng katawan o pagiging mabilis mapagod ay nangangahulugang humihina rin ang ating resistensiya at maaring tinamaan na tayo ng isang malalang karamdaman ng hindi natin namamalayan. Mapapansin mo ito kapag mayroon kang ginawang simpleng trabaho tapos bigla kang napagod agad. Kagaya na lamang ng simpeng pag-akyat ng hagdan o paglalakad ng malayo. Kung ang panghihina na ito ay nagtagal ng ilang araw, mainam na bumisita agad sa iyong doktor at magpasuri.
4. Pananakit Ng Tiyan
Ang pananakit ng tiyan ay maaring isang simpleng sakit lamang ngunit kung ito ay madalas mangyari at madalas may kasabay nang pagsusuka, maaring ito ay sintomas na ng isang malalang sakit kagaya ng sak!t sa puso.
5. Malakas na paghilik
Normal lang sa isang tao ang paghilik kapag natutulog lalo na kung pagod ito sa mag-hapong trabaho ngunit kung ang paghihilik ay mas malakas at matagal kaysa sa normal, maaring ito ay sintomas na hindi maganda ang estado ng iyong puso. Ang problema
na kaakibat nito ay ang tinatawag na “sleep apnea” kung saan bigla nalang humihinto ang isang tao sa paghinga sa loob ng ilang segundo.
Comments
Post a Comment