Ang kakulangan sa physical activity ang pinaka isa sa mga rason kung bakit hindi healthy ang isang tao. Sa panahon ngayon, ang mga tao ay hindi na aktibo sa kanilang buhay dahil na rin sa mga klase ng trabaho ngayon na hindi na kinakailangan ng actual na physical work.
Karamihan sa atin ay nagtatrabaho ng walo hanggang sampung oras habang nakaupo at nakatutok na lamang sa ating mga computer na kung saan ay kadalasan na nating nakakalimutan na ito ay masama sa ating kalusugan.
Ang pag-upo araw araw ng napakatagal na oras ay maaaring magdulot ng mga kondisyon sa atin lalo na kung ito ay madalas nating ginagawa.
Ayon sa payo ng isang doktor, ang pagtayo at pag-uunat ng ilang minuto in between ng trabaho ay isang importanteng factor sa ating kalusugan. Subalit sa dami ng ating trabaho, minsan ay nakakalimutan na ating mag-stretch at tuloy tuloy lang tayo sa pag-upo kasabay ng pagharap sa radiation sa ating mga computer.
Kaya naman mas prone sa mga karamdaman ang mga taong kulang sa physical activity at madalas kagaya na lamang ng mga sumusuod na kondisyon:
1. Heart Disease
Ang problema sa puso ang pangunahing maaaaring idulot ng matagal ng pag-upo at walang physical activity dahil hindi nabuburn ang ating mga fats at hindi maganda ang pag-circulate ng dugo sa ating katawan na kung minsan ay nauuwi sa pagbara sa ating mga arteries.
2. Diabetes
Ayon sa isang 2017 study, may mataas na tyansa na magkaroon ng diabetes ang isang tao kung ito ay physically inactive at madalas na nakaupo lamang dahil nagkakaroon ng decrease sa kanyang muscle at strength na nagdudulot ng lowered insulin sensitivity. Maaaring ang kanyang cells ay nagreresponde ng mas mabagal sa insulin sa kanyang katawan na posibleng magkaroon ng tyansang tumaas ang risk ng tao sa diabetes.
3. Osteoporosis
Ang pag-upo ng madalas buong araw ay nakaka-apekto sa ating skeleton o mga buto kung saan nagiging mas weak ang ating mga buto dahil hindi ito nauunat at nagagamit o naeehersisyo araw araw.
4. Anxiety at depression
Isang mental side effect ng pagupo ng matagal ay ang anxiety at depression dahil ang mga taong madalas na nakaupo ay hindi nakaka experience ng mood-boosting benefits na nakukuha sa ehersisyo o physical activity. Kung mas madalas nakaupo ang isang tao sa loob ng office o ng bahay hindi rin ito nakakakuha ng sapat na sun exposure at social interaction kaya nagiging dahilan din ito kung bakit stressed, depressed at may anxiety problems ang isang tao.
5. Posture Problems at Muscle Pain
Ang matagal na pag-upo lalo na kung madalas na naka-slouch ay nagiging sanhi ng pananakit ng leeg, shoulders, likod at kasu-kasuan dahil nagiging less ang flexibility ng muscle at maaaring umikot ang pelvic bone natin habang tayo ay nakaupo ng nakaslouch kung saan ito ang pangunahing sanhi ng pananakit ng mga muscle.
Important notes:
-Kung kayo ay mahapon sa trabaho at harap ng computer, ang pag-uunat at ehersisyo ng kahit limang minuto kada dalawang oras ay makakatulong sa inyong buto, muscle at katawan upang mag-circulate ang dugo at ma-relax ang inyong stiff muscles.
-Huwag kalimutang uminom ng tubig kahit kayo ay tutok o babad sa computer dahil maaaring madehydrate din tayo kahit walang aksyon o physical activity na ginagawa
-Malaking bagay na ang pagstretch ng kahit 10 minutes paggising sa umaga at bago matulog sa gabi upang lumawag ang circulation ng oxygen at dugo sa katawan.
Comments
Post a Comment