Skip to main content

Limang Senyales na Panahon na Para Tanggalin ang Toxic na Ka-pamilya mo sa Iyong Buhay!




Mayroong kasabihan na "Blood is thicker than water" kung saan ibig sabihin nito ay mas matimbang ang ating mga kadugo kaysa sa ibang tao. Subalit kadalasan kung sino pa ang ating kadugo o kapamilya ay sila pa ang mismong hindi natin inaasahan na magdudulot ng hindi ka nais-nais sa atin o minsan ay nagbibigay sa atin ng sama ng loob.





Kaya kung mayroong kang kilala na kamag-anak o kapamilya na wala namang magandang intensyon sa iyo at puro sama ng loob lamang ang iyong aabutin ay mas mabuti na lamang na putulin mo na ang inyong komunikasyon. Mas mainam na wag ka na lamang makipag-usap sakanya kaysa ma-imbyerna ka lang at maaaring lumaki pa ang inyong issue.

Ibabahagi namin sa inyo kung ano ang Limang senyales na nagpapakita na kailangan mo nang lumayo sa iyong kapamilya na toxic lamang sa iyong buhay:


1. Kung Abusive na ang inyong Relationship sa isa't isa

Isa sa mga senyales na dapat mo nang putulin ang inyong pagiging magkapamilya kung siya ay masyado nang nakaka apekto sa iyong buhay sa abusive na pamamaraaan tulad ng physical at emotional abuse. Ang mga kamag-anak na walang ginawa kundi saktan ang inyong damdamin sa pamamaraan ng pananakit o pagsasalita ng masasakit na mga bagay ay nangangahulugang sila ay Toxic sa inyong buhay at dapat nang huwag silang tratuhin na kapamilya!



2. Kung madalas ka niyang i-chismis sa iba

Kung mayroon kang kadugo na madalas ka na lamang na pagchismisan, i-confront mo ito at kausapin upang maliwanagan na kailangan mo ng respeto. Subalit kung ayaw pa rin nitong paawat at panay pa rin ang pagchismis niya saiyo sa ibang tao, huwag ka nang magdalawang isip na putulin ang inyong pagsasamahan. Di bale nang kaunti ang iyong kamag-anak kaysa naman marami nga, pero sinasaksak ka naman patalikod! 


3. Kung madalas itong mangutang at hindi ka naman binabayaran

Hindi toxic ang mga umuutang kung marunong silang magbayad sa takdang panahon. Nagiging toxic lamang ito kapag hindi sila tumutupad sa usapan at hindi ibinabalik ang hiniram na pera. Ang pangungutang ay isang karaniwan na issue ng mga magkakamag-anak sa Pilipinas kung saan hindi marunong magbayaran at nauuwi sa mahabang diskusyunan. Kung mayroon kayong kadugo na madalas umutang at madalas mangako na ibabalik ito subalit hindi naman tumutupad sa usapan, huwag na huwag mo na ulit pautangin. At kung siya ay nagalit sa iyo, senyales na ito na huwag ka ng makipag usap sakanya kailan man.



4. Kung puro stress na lamang ang kaniyang naidudulot sa iyong buhay

Hindi maiiwasan na magkaroon ng mga alitan sa pamilya dahil normal lamang ito subalit kung mayroon kayong kamag-anak na madalas na lamang nagbibigay ng sakit sa inyong ulo ay mas mainam na putulin na ang inyong komunikasyon. Kung hindi marunong magpatawad sa isa't isa at kung madalas na nag-aaway dahil sa pera, pamana, lupa, bahay o kahit mga maliliit na bagay lamang, huwag na po kayong magdalawang isip na putulin na ang pagsasamahan.




Huwag nang idagdag ito sa inyong stressful life dahil bibigat lamang lalo ang inyong mga iniisip.

5. Kung madalas mo siyang tulungan subalit kapag ikaw ang humingi ng tulong ay wala siya

Ang moral support ay napaka importante sa pamilya dahil sakanila ka huhugot ng lakas para sa mga problema na iyong haharapin. Kung mayroon kang kapamilya na madalas mo naman tulungan subalit pag panahon na ikaw naman ang hihingi ng tulong ay hindi mo siya makapitan, nangangahulugan na toxic ang taong ito. Tratuhin mo na lamang siya bilang isang kaibigan subalit huwag ka nang maging masyadong matulungin sakanya dahil pag ikaw naman ang humingi ng tulong ay hindi ka niya matutulungan na tila ba hindi niya ito magawan ng paraan para damayan ka.



Hindi masama ang pag cut ng ties sa iyong family member o kadugo dahil kung wala naman magandang naidudulot ang inyong pagiging magkapamilya ay mas mainam na lamang na itrato niyo na lamang ang isa't isa bilang magkakilala at hindi na magkapamilya. Kaysa dadagdag lamang ito sa inyong mga iniisip at maaaring magdulot pa ng pangmatagalan na sa inyong buhay.

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…