fg c Napakasarap sa pakiramdam na habang nadaragdagan ang ating edad ay nagagawa natin ang mga bagay na gusto nating gawin at nakakain ang lahat ng mga pagkain na gugustuhin. Hindi tulad ng mga sanggol ay limitado pa lang ang kayang gawin at kainin. Ngunit kasabay ng mga iba't ibang pagkain ang kinahihinatnan ng ating kalusugan. Kaya naman kung gugustuhin mong manatiling malusog ang pangangatawan, batang mukha at balat ay alamin ang mga pagkain na dapat iwasan sa pagtungtong ng tatlumpong taon.
Narito ang pitong klase ng pagkin na dapat iwasan o huwag ng kainin sa edad na trenta.
1. Flavored Yogurt
Napaka-karaniwan na sa panahon ngayon ang paggamit ng iba't ibang produkto upang mapanatiling maganda at bata ang ating balat. Ngunit hindi magbabago ang katotohanan na sa paglampas ng edad Tatlumpo o Trenta ay magsisimula ng magbago ang kalusugan ng ating balat na kung saan humihina na ang produksyon ng collagen at elastin na siyang pagsisimulan ng pagkakaroon ng pagdiporma ng balat. Gayunman napakaimposimble na hindi maranasan ang pagtanda ngunit may paraan upang mapanatili ang kagandahan sa pamamaraang iwasan o putulin ang pagkakagusto sa matatamis na pagkain tulad ng yogurt. Dahil nakakapagpabilis ito ng pangungulubot at paglawlaw ng balat.
2. Canned Soup
Ayon sa pag-aaral noong taong 2013, napagalaman na may koneksyon sa pagitan ng pagkakaroon ng mataas na presyon at balat ng pagtanda. Kaya naman nararapat na iwasan ang mga canned soup dahil marami sa mga uri na ito ay nakatali sa BPA, isang kemikal na maaaring pagmulan ng k*ns*r, kawalan ng katabaan, sobrang paglaki ng timbang at mabilis na makaranas ng pagtanda.
3.Cola
Napaka-sarap nitong kasama sa tuwing kumakain. Nakakapagbigay ng kaginhawaan sa tuwing maiinit ang panahon at masarap na kasalo. Ngunit ang inumin na ito ay hindi maganda para sa ating kalusugan. Dahil isa ito sa pangunahing listahan na nakapagdudulot ng sakit na diabetes. Bukod pa rito nakapagdudulot rin ito ng sak!t na k*ns*r, negatibong epekto sa pagbuntis, at mababang esperma. Ayon na rin sa naunang nabanggit na ang mga matatamis na pagkain ay nagiging sanhi ng mabilis na pagtanda. Kaya naman kasama ito sa listahan na dapat na iwasan. HIndi lang ng nasa edad tatlumpo kung hindi pati na rin ng mga bata.
4. Protein Bars
Karaniwang naririnig ang 'diyeta' ngunit hindi lahat ay nasa wastong paghahakbang. Madalas na ginagawa ang hindi pagkain ng umaga, tanghali o gabi dahil nasa pagdidiyeta. Kaya naman pinapalit na lamang ang pagnguya ng mga protein bars o cerial na ang alam ay nakatutulong ito sa kalusugan upang gumanda ang tamang laki. Ngunit hindi ito ang magandang pamamaraan mas nararapat pang kumain ng potahe na mas makakapagpadagdag ng inyong protina upang maiwasan ang mabilis na pagkulubot.
5.White Bread
Kabilang na sa ating almusal ang pagkain ng tinapay lalao na kung may kapareha itong isang mainit na inumin. Ngunit ang pagkain na ito ay kasama rin sa kailangang tanggalin sa inyong sistema upang mapanatiling maganda ang kalusugan ng kagandahan at pangangatawan. Hindi lamang ito dahil malalayo pa sa sak!t na diabetes at pagbaba ng timbang.
6.Iced Coffee
Nakagawian na ang pag-inom ng kape mainit man ito o malamig. Ngunit ang sobrang pagkonsumo nito at pagtanggap ng ating katawan sa caffeine na nilalaman ng isang kape ay nakapagdudulot ng mabilis na pangungulubot ng balat o sinyales ng pagtanda. Gayunman napag-alaman ng mga mananaliksik na nakakaragdag ng kulubot o pangungulubot ang pag-inom na gamit ang straw.
7. Sports Drinks
Sa katunayan hindi kailangan ng ating katawan ang nilalaman na calories at sugar na nakapaloob sa isang sport drinks kahit gaano man kapagod ang ating ginagawa sa araw-araw. Ang kailangan lamang gawin ay may sapat na pahinga, tamang pagkain, at pagehehersisyo nang sa gayon mapanatiling maayos at maganda ang ating kalusugan.
Comments
Post a Comment