Skip to main content

Pag-inom ng Apple Cider Vinegar Araw-araw ay Makakatulong sa Kolesterol, Blood Sugar at Iba pang Karamdaman!




Maraming mga iba't ibang halaman, pagkain, inumin at iba pang mga bagay na nagsasabing may magandang hatid na benepisyo ang mga ito sa ating kalusugan. Madalas nagugulat na lamang tayo na ang mga akala nating basura na lamang ay may malaking pakinabang pala ito sa ating kalusugan. Kaya naman ating alamin ang nilalaman ng pinaguusapang Apple Cider Vinegar at kung ano nga ba ang maidudulot nito sa ating kalusugan. 




Narito ang Limang kilalang benepisyo ng Apple Cider Vinegar: 

1. Nakakatulong mabawasan ang timbang 


Ito ang pinakapopular na kayang maitulong ng apple cider vinegar sa kalusugan. Maraming mga taong nakakaranas ng sobrang paglaki ng timbang. Ayon sa pag-aaral ang pag-inom ng apple cider ay nakababawas sa ating cravings sa matatamis at maaalat na pagkain dahil sa pagkaramdam ng mabilis na pagkabusog sa tuwing ito ay ikokonsumo. 



2. Nakakapagkontrol ng asukal sa dugo 
 
Karaniwan na ngayon ang pagtaas ng asukal sa dugo dahil dagsaan na ngayon ang mga milktea, frappes at iba pang mga inumin na punong puno ng asukal na masama sa kalusugan. Alam niyo ba na ang Apple Cider ay nakakatulong maka-control ng level ng  ating blood sugar? Uminom ng dalawang kutsarang apple cider araw araw para bumaba ang level ng asukal sa dugo.

3. Makakatulong sa may mga Polycystic Ovarian Syndrome 

Ayon sa pag-aaral noong taong 2013, pitong babae ang binigyan ng inumin na naglalaman ng isang kutsarang apple cider vinegar bawat araw sa loob ng mahigit 100 days. Sa dulo ng pag-sasayasat, ang apat na babae ay tumaas ang tyansang mabuntis at naging normal ang kanilang menstrual period. Samantalang anim na tao ang mas bumuti ang kanilang insulin sensitivity. Kaya naman kung isa ka sa mga taong nakakaranas ng problema sa iyong menstrual period, subukang isama sa inyong diyeta ang apple cider vinegar. 

4. Pampababa ng Kolesterol 


Ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol ay maaaring maging sanhi ng pagkaatake o karamdaman sa puso. Kaya naman napaka-importante na pangalagaan ang ating kalusugan. Maaaring gawing isang kasangkapan ang apple cider vinegar para mapababa ang kolesterol dahil ayon sa pag-aaral, napag-alaman na sa pag-inom ng dalawang kutsara ng ACV ay makikita ang pagbaba ng kolesterol, triglyceride at LDL sa pamamagitan ng tests.

5. Panlinis ng katawan at colon

Sa araw-araw ay kinakailangan ng ating katawan na ilabas ang mga dumi sa ating sistema upang matulungang malinisan ito. Mainam na uminom ng isang kutsarang apple cider vinegar na nakahalo sa inyong tubig paggising sa umaga upang malinisan ang ating tiyan at makapagdumi araw araw.

Paano nga ba iinumin ang apple cider vinegar? 

Kung ikaw ay nahihiwagaan sa benepisyong taglay ng apple cider vinegar at gusto mo itong subukan, narito ang pinakamagandang pamamaraan ng pag-inom nito:


1. Dagdagan ng honey

Ang kombinasyon ng isang kutsarang ACV, honey at isang basong tubig ay isang madaling paraan upang mabilis na mainom ito at mawala ang masamang lasa nito.

2. Isama sa Juice 

Maaari mo rin na ipaghalo ito sa isang juice na may masarap at mataas na lasa tulad ng mansanas o ubas. Hindi man ito kasing sarap ng lasa ngunit mas makakaya mo itong inumin kung ihahalo mo itong sa iyong juice.

3. Gumawa ng Tsaa 

Magpakulo ng tubig at maglagay sa isang tasa. Ihanda ang mga idagdag na sangkap: cinnamon, honey at apple cider vinegar. Ipaghalo ang mga ito at inumin sa araw-araw. 

Tandaan: Huwag iinumin ng puro ang apple cider vinegar dahil maaaring masunog at magkaroon ng problema ang inyong lalamunan. Kung ang katangungan sa inyong isip ay ano nga ba ang magandang produktong gagamitin? Hanapin ang tatak na Bragg dahil ito ay organic, unfiltered at trusted na brand. 

Bukod pa sa mga kakayahan nitong makatulong sa karamdaman ay maaari rin itong gamitin sa inyong buhok, balat, sa paglilinis ng bahay at sa inyong umunting hardin. Lubos na kapakipakinabang ito kaya naman subukan ito ng sa gayon maramdaman sa inyong sarili ang epektibong hatid nito sa ating kalusugan.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-