Buti na lamang at mayaman ang Pilipinas sa Papaya dahil alam niyo ba na ang papaya leaves ay may kakayahin din para sa mga mayroong dengue fever? Ang dahon ng papaya ang siyang mismo na makakatulong para sa ating kalusugan lalo na kung ang isang tao ay may dengue.
Ang Papaya ay kilala sa pagkakaroon ng anti-bacterial properties at nakakatulong sa maayos na digestion. Ang katas nito ay mayroong compound na makakatulong sa blood clotting at maaaring mabawasan ang internal bleeding dahil sa dengue.
Ang Papaya leaf extract o katas ng dahon ng papaya ay ginagamit ng bilang treatment sa mga may Dengue fever sa ilang mga bansa. Marami ng research ang gumawa nito at walang adverse effect na masama para sa kalusugan sa paggamit nito at paginom ng katas ng papaya leaf. Bagkus, mayroon itong beneficial effect na makakatulong upang pababain ang lagnat dulot ng dengue.
Paano nga ba at kailan ito dapat inumin?
-Kumuha ng fresh papaya leaves at hugasan ito ng mabuti
-Tanggalin ang tangay ng papaya at hiwain ang mga dahon nito o pira-pirasuin.
-Ilagay ito sa isang dikdikan o mortat and pestle at dikdikin ng pinong pino hanggang sa lumabas ang katas nito
-Maglagay ng 50ml na tubig at 25g ng asukal
-Pigain ang katas nito at ilagay sa isang lagayan
-Pwede mo itong itago sa ref ng 24 hours
Isa pang direksyon kung paano ito gawin:
-Kumuha ng Papaya leaves at hugasan ito
-Ihalo ang papaya leaves sa isang kaserola at lagyan ito ng tubig
-Hayaan hanggang sa kumulo ito
-Kunin ang katas ng papaya at pwede na itong inumin agad na parang tsaa
Mga dapat na alamin sa pag-inom nito:
1. Ang katas ng papaya leaf ay maaaaring ipainom agad kung nakaranas ng lagnat ang isang tao.
2. Ang paginom nito ay tatlong beses sa isang araw pag sa bata bago kumain at limang beses naman para sa matatanda.
3. Pwedeng uminom ng tubig matapos inumin ang katas nito upang mawala ang mapait na lasa ng papaya leaf.
4. Tandaan lamang na huwag itong ipapainom sa mga taong may allergy sa papaya.
5. Inumin ito ng limang araw hanggang sa bumalik sa normal na temperatura ang isang tao at mawala ang kanyang lagnat
Comments
Post a Comment